Note
"I'm sorry sa naging asal ko" yumuko ako sa harap niya dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.
"It's okay but next time hear my side first okay?" Ginulo niya naman yung buhok ko.
"Yes, nadala lang talaga ako ng pangyayari"
"Nadala ng selos?" Pangaakusa niya sakin.
"H-hindi no!" Pinalo ko pa siya dahil kung ano anong sinasabi niya.
"Kahit itanggi mo alam ko naman ang totoo" tumawa pa siya.
"Isipin mo kung anong gusto mo!"
"Gusto kitang nakikitang nagseselos kasi nakikita ko dun kung kagaano mo ko kamahal pero ang hirap din pala kasi hindi mo 'ko pinapansin" nahimigan ko ang lungkot sakaniyang boses.
"Alam mo ba gaano kahirap para sa akin na hindi ka pansinin?" Pagtatanong ko sakaniya, hindi naman siya sumagot at nakatingin lang sa akin, naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"Sobrang hirap kasi kahit gustong gusto na kitang pansinin hindi ko pa din magawa kasi alam kong kapag nakinig ako sayo babalik na ako kaagad, ganun ako karupok sayo"
"Maniwala ka lang sakin hanggat nagpapaliwanag ako kasi hinding hindi ko magagawang magsinungaling sayo at lalo na ang lokohin ka, I can't lie to those people who are important to me and you are one of them" lumapit siya sakin at hinalikan ako sa akin noo.
I'm bit shocked of what he did kasi hindi ako sanay sa ganoon pero masasabi kong naramdaman ko kung gaano ako kaimportante sa taong ito. His kisses makes me feel safe, yung parang kahit anong mangyari ay walang makakapanakit sa akin.
"I wont let that thing happen to us again, alam kong may pagkakamali ako kasi hindi ko pinaliwanag sayo kung saan talaga ako pupunta at kung sino ang mga kikitain ko, I will inform you of those things next time, I promise you"
"You don't need to do that, I trust you so much now. Mas napatunayan ko ngayon na hindi mo kayang gawin yung mga bagay na makakapagpasakit sa akin" I assure him.
"But I don't want you to overthink of what i'm doing kaya mas mabuti ng sabihin ko sayo at ako ang may gusto nito, choice ko na magsabi sayo bawat oras"
I don't know if I deserve to have a man like him, sobrang understanding. Alam kong wala na kong hihilingin pa dahil ito na siya, ang taong ibinigay para sa akin.
"Bakit ganyan yung mata mo?" Nagaalala niyang tanong sa akin, hinawakan ko naman ito.
"Bakit may muta ba?" Nakakahiya naman kung meron.
"Wala HAHAHA" he laughed because of my question.
"What do you mean ba kasi?" Nakakunot naman ang noo ko dahil sa kaniya, malay ko kung anong nasa mata ko.
"Namamaga, Jira" tinignan niya pa ito ng mabuti para ikumpirma kung ano ang nangyari.
Saka ko lang narealize na wala pala akong ginawa para takpan ito kahit na namamaga dahil nagmamadali na akong bumaba kanina.
"Nakagat ata ako ng ipis" pagsisinungaling ko.
"Ang galing naman ng ipis na yun, dalawang mata mo pa talaga yung kinagat" pakiramdam ko clown na 'ko dito dahil tawa siya ng tawa sa sinasabi ko.
"Why are you asking me if you know the answer?! It's normal naman na umiyak kapag nasasaktan di ba!" Paghihimutok ko sakaniya, tanong pa kasi ng tanong.
Niyakap niya naman ako at ngayon hindi na siya tumatawa.
"I'm sorry love" he says while we were hugging each other.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Novela JuvenilCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...