Be happy
"Anong ginagawa mo dito?" Nakita kong nakatayo si Yuwan sa labas ng kaniyang sasakyan at sa mismong exit din mismo nitong building namin.
"Sinusundo yung girlfriend ko" maangas niyang sagot sa akin. Parang mayroong sakit akong naramdaman sa aking dibdib ngunit hindi ko na 'to ininda pa.
Tinignan ko naman ang oras at halos magaalas nuebe na at alam kong ako nalang ang last na tao dito sa building kaya sinong girlfriend nito, multo?
"Ah" tumango tango nalang ako, bakit ko pa iintriga yung sarili ko di ba.
Naglakad na ako ng diretso para makaiwas na sakaniya, nandito na din naman ang grab na hiningi ko, paepal kasing Apollo yan.
"Saan ka pupunta?" Hinawakan nito ang palapulsuhan ko kaya naman napaharap ako sakaniya.
Nagtataka ko siyang tinignan, "saan pa ba? Edi uuwi na"
"Bakit diyan ka papunta kung ganun?" Tanong niya pa ulit.
"Dahil nandito yung grab na binook ko" sarkastiko kong sagot sakaniya.
"Ako na magbabayad, sakin ka sasabay" nakita ko namang agad niya itong pinuntahan kaya sinundan ko siya pero ang bilis niya maglakad ha.
"Manong, pasensya na ako na ang maghahatid sa girlfriend ko" nakita kong binigay niya ang isang libo sa grab driver.
"Anong girlfriend?!?!" Naghihiterya kong tanong sakaniya.
"Manong sasakay po ako," tinry ko naman na buksan ang pinto nito pero hindi mabuksan.
"Ayusin niyo ang problema niyo iho at iha, nako ang mga kabataan talaga" agad naman umandar ang grab na sasakyan ko dapat.
"Yuwan ano ba!!!" Nagpapapadyak kong saad, ang hirap kaya magbook ngayong araw na 'to tapos umeepal pa siya.
"Ako nga kasi ang maguuwi sayo di ba?" Chill lang siya at naglakad na pabalik.
"Akala ko ba hinihintay mo girlfriend mo ha?! Nagmumukha pa 'kong kabit dito!" Sigaw ko sakaniya.
"Ikaw ang girlfriend ko kaya ikaw ang hinihintay ko" bigla namang nagusok ang ilong ko sa mga sinasabi niya.
"At kailan ako pumayag na maging girlfriend mo aber?" Nanliliit ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi naman tayo naghiwalay kaya tayo pa din" he held my hand, hinila niya na ako papunta sa sasakyan niya.
Padabog akong sumakay dito, paepal talag itong si Yuwan e.
"Hindi ka naman lasing ngayon kaya bakit nagseself-proclaim ka na naman na boyfriend kita?"
"Hindi din naman ako lasing noon" nginisihan niya pa ako.
"Sana hindi ka na nagabala pa na sunduan ako, dumiretso ka nalang sana sa condo mo"
"Katapat ko lang naman yung kompanya niyo, so bakit hindi pa kita daanan 'di ba?" Nagulat naman ako dahil hindi ko alam 'yun.
Tumingin tuloy ako sa likod para tignan kung totoo nga ba ang sinabi niya pero bigo ko na ibinalik ang aking mata sa daanan dahil masyado na kaming nakalayo doon.
"Saan kita ihahatid?" Tanong nito sa akin habang nakafocus pa din sa pagdadrive.
I miss this, nagdadrive siya para lang sunduin ako. Napatitig ako sakaniya at naalala ang mga nakaraan, naalala ko na ang huli ko siyang nakasama sa sasakyan ay yung hinatid ko siya sa pamilya niya.
"Shit Jira, why are you crying?" Nagpapanic siya kaya naman bigla niyang ginilid 'yung sasakyan niya.
Nagiwas naman ako ng tingin at pinahidan ang luhang bumagsak galing sa aking mga mata, hindi ko 'to namalayan dahil sobrang nakafocus sakaniya ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Novela JuvenilCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...