Explanation
I want to go to that bar pero may tiwala ako kay Yuwan, alam kong may dahilan siya bakit niya nagawa yun pero kahit ganun hindi ko pa din mapigilan na hindi masaktan kasi parang kahit anong dahilan ang meron siya parang hindi yun sapat para mambabae siya.
This is all my fault, kung hindi ko siya pinalayo para bigyan lang ako ng space hindi siya mamomoblema at pupunta ng bar ngayon.
I called him so many times that night pero ni isa ay wala siyang sinasagot. Hindi na rin ako nagresponse pa sa chat ni Allen.
"Yuwan answer the call please" bulong ko sa sarili ko habang nasa tainga pa din ang cellphone.
"Shit anong buhay ba to!" Sigaw ko at halos ihagis ko na ang cellphone ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Napahawak nalang ako sa sintido ko dahil sa mga nararanasan ko nitong mga nakaraang araw. How can he do this to me? Una yung article about him and his co-model tapos ngayon malalaman ko pang nakikipaghalikan siya sa bar habang hindi kami ayos.
"Why do I need to feel this kind of pain?" Sunod sunod ang patak ng luha sa aking mga mata.
Napapagod na akong umiyak gabi gabi dahil sa relasyon naming dalawa, hindi na siya katulad nung nakilala kong lalaki na minahal ko.
Pumasok ako sa school na maga ang mata ko, wala na 'kong pakialam kung anong sasabihin nila.
Pagpasok ko ay kung ano ano na agad ang narinig ko na maga daw ang mata ko dahil daw siguro nalaman ko na na niloloko at ginagawa lang akong pampalipas oras ni Yuwan pero wala naman na akong pakialam kasi hindi naman sila si Yuwan kaya hindi nila nararamdaman kung ano yung totoo talagang nararamdaman nito sa akin.
Masyado na ba akong tanga kasi kahit anong sakit at galit ang maramdaman ko sakaniya nagagawa ko pa din magtiwala sakaniya.
"Jira!" Sigaw ng mga kaibigan ko na sumusugod ng takbo sa akin.
"Why?" Kinunutan ko sila ng noo dahil parang mga ewan ang itsura nila ng makita ako.
"Anong itsura yan?" Nakapamaywang na tanong sa akin ni Kai.
"Itsurang maganda, inggit ka ba? Gaya ka" nagflip hair pa ko sa harap niya, mamaya magwalkout na naman siya.
"Hindi ka manlang nagabalang magayos? Ano nalang ang sasabihin sayo ng mga tao?" Siniko naman siya ni Ley dahil sa sinabi niya.
"Itsura niya yan hayaan mo" paninita sakaniya ni Apollo.
"Para kasing pinapakita niya na siya ang kawawa sa itsura niya kahit hindi naman talaga, hindi niya ibinubukas ang isip niya sa sinabi sakaniya ni Yuwan, akala niya ata siya lang ang nahihirapan. Kaibigan natin siya but don't tolerate her, yung pride niya masyado ng mataas." nanggagalaiti niyang saad sa akin.
"Paladesisyon ka ba? Bakit kita susundin? Ikaw ang nagsabi noon na wag makialam sa relasyon namin pero heto ka ngayon na parang nagdedecide sa sarili kong buhay. Kung ano man ang sasabihin nila ay sa akin na iyon, kung naririndi ka at gusto mo din na pagusapan ka edi gumawa ka din ng issue" inirapan ko pa siya, magkaibigan kami dito pero hindi ko siya maintindihan.
"Paanong hindi mangingialam e ganyan paguugali mo? Hindi ka marunong makinig, hindi dapat ganyan sa isang relasyon Jira" naglakad na ko para iwan sila.
"Kai hayaan mo nga si Jira sa desisyon nya hindi yung pinangungunahan mo" narinig ko namang sermon sakaniya ni Ley.
May biglang umakbay sakin nung medyo makalayo layo na ako at hindi ko naman na ito kailangan pang tignan dahil amoy palang ay alam ko na unggoy to.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Ficção AdolescenteCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...