Comeback
Sobrang hirap ng mga naunang buwan ko dito sa ibang bansa, hindi ako sanay na dito magstay dahil pabisi-bisita lang kami dito noon.
"Ma, kailan ka ba susunod dito?" Tanong ko pa rito habang nasa telepono dahil sabi niya ay pupunta din siya dito, hindi ko masabi sakaniya ang tunay na dahilan pero naiintindihan niya naman daw kung bakit nagdesisyon agad ako na dito na magtuloy pa ng pagaaral.
Nagbago na din ako ng number dahil ayaw ko na munang magkaroon ng koneksyon sa iba, gusto kong makakalimot at pakiramdam ko kung hanggang ngayon ay kinakausap ko sila wala din mangyayari.
"Malapit na, tatapusin ko nalang itong mga ginagawa ko dito kaya wag ka magalala" pagpapanatag niya sa loob ko.
"Ang hirap ng walang kasama dito ma, hindi ko pa masyadong kabisado ang mga tao kaya pumunta ka na agad ditooo!" Kinukulit ko na siya dahil ang hirap din kasi maging komportable sa mga tao dito baka mamaya bigla nalang nila ako ibully.
"Ang anak ko parang babyng baby," tumawa pa siya kaya naman nagpout ako sa harap niya.
"Saka para ka namang ewan, kasama mo naman diyan si Apollo ha? Paguntugin ko pa kayong dalawa e, kala ko tuloy umalis kayo ng Pilipinas dahil may itinatago kayong relasyon" ang pagsimangot ko ay biglang naging tawa, hindi ko akalain na ganun ang iisipan ni mama.
"Ma kung makikipagrelasyon ako, hindi kay Apollo kaya please lang tanggalin mo 'yan sa isip mo" pagiinform ko pa sakaniya.
"Pero anak si ano, pumupunta sa bahay at hinahanap ka, naaawa ako sakaniya at gusto kong sabihin kung nasaan ka pero hindi ko naman alam ang tunay na dahilan ng paghihiwalay niyo at alam kong gusto mong mapagisa kaya iginagalang ko ang desisyon mo" pagpapaliwanag niya pa sa akin.
"Ma bilisan mo na ang pagpunta dito, ipagluluto kita promise. May alam na akong lutuin" pagiiba ko ng topic dahil ayoko ng marinig ang kahit ano pang tungkol sakaniya.
Gusto ko na siyang kalimutan dahil iyon ang kailangan, iniwan ko siya dahil iyon ang nararapat kaya kung hanggang dito ay iisipin ko pa siya paano ako makakalimot at tuluyan siyang ipapaubaya sa pamilya niya?
"Hoy Jira! Dumudugo ang ilong ko sa mga tao dito, parang gusto ko nalang bumalik ng Pilipinas" pagpapahiwatig niya sa akin habang nakatingin sa kawalan.
Matalino naman ito at alam kong nagbibiro lang, may pinatataguan ata 'to kaya nandito din. Baka hindi nagbayad ng utang kaya nagtatago.
"Edi umuwi ka na" nagkibit balikat nalang ako.
"Hindi mo manlang ako pipigilan?" Nagtataka niyang tanong.
"Bakit kita pipigilan? Baka namimiss mo na ang Manila Zoo kaya sige bumalik ka na, walang problema doon"
"Iba ka talaga kausap no!" Itinuloy niya na ang assignment na ginagawa niya at ganun din ang ginawa ko.
Nandito kami ngayon sa library dahil tinatapos namin ang mga gawain na ibinigay sa amin.
May naramdaman akong nakatitig sakin kaya hindi ako mapakali, tumingin ako sa paligid at wala namang nakatingin sa akin.
Nakita ko ang isang lalaki na nasa likod ni Apollo pero sa banda ko ito nakaharap ngayon. Natawa ako dito dahil nakabaliktad 'yung libro na binabasa niya.
"Tinatawa tawa mo?" Nagtatakang tanong ng epal na 'to.
"Nothing" umiling iling pa ako habang tumatawa. Itinuloy ko nalang ang ginagawa ko.
"Hindi mo ba namimiss ang Pilipinas?" Hindi ko alam bakit niya ito tinatanong at ngayon niya pa talaga naisipan kung kailan madami kaming ginagawa.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...