Reyalidad
"Jira, did you give my number to Yuwan?" Ang aga aga ito agad ang ibubungad niya sa akin.
"Kilala mo na agad ang boyfriend ni Jira?" Nagtatakang tanong ni mama dahil nandito pa siya kasi umagahan palang naman.
"Yes tita, he'smy friend nung nasa iisang agency pa kami" napatango naman si mama sa kaniyang narinig.
"Yes, may problema ba dun? Ang sabi niya lang naman ay gusto niya ibalik yung pagkakaibigan niyo"
"But you should ask me first kung okay lang ba sakin yun" naiiling niya pang saad.
"Then don't reply kung ayaw mo ibalik pagkakaibigan niyo, dami mong problema" pagtugon ko.
"Oh baka magaway pa kayong dalawa, kumain na nga lang kayo" saway naman nito sa amin.
Nagpatuloy na kami sa pagkain, hindi ako nagsasalita dahil naiinis ako lalo na at umagang umaga pa. Silang dalawa nalang muna ni mama ang naguusap.
Why she seems annoyed nung binigay ko yung number niya? Hindi ba dapat ako nga 'yung magkaganun kasi ako yung girlfriend pero hiningi sakin yung number niya.
I can feel that there is something wrong pero ayaw ko itong paniwalaan lalo na kung wala naman akong proweba.
"Kailan naman ang uwi mo iha?" Narinig kong tanong ni mama.
'di pa nga nakakadalawang araw uwi na agad ang tanong? Parang ayaw siya ni mama dito ah.
"Next week po tita, may kailangan kasi akong ayusin ngayon dito"
"Si Yuka, sinong nagbabantay?" Pagsingit ko sakanilang usapan.
"Yaya niya" simple niyang tugon.
"Buti kumuha ka na ng yaya ngayon no?"
Nagpatuloy lang ang umaga namin ng ganun puro usapan lang sa hindi ko malaman na mga bagay, pakiramdam ko 'yung mga narinig ko kanina ay inilalabas ko din sa kabilang tenga ko.
"Hey did you already text my cousin?" Pagtatanong ko sakaniya ng magkita na ulit kami, akala mo ay wala akong kaalam alam kahit na sinabi naman sa akin ito ni Erika.
"Yes and she didn't reply, I think I can't build our friendship again"
"Maghintay ka lang, may tamang oras para sa ganiyang mga bagay bagay." Bakit ba excited silang ayusin yung mga bagay, hindi naman kasi magwowork ang isang bagay kung isa lang ang may gusto.
Napabuntong hininga nalang ako, baka ganun talaga kahalaga yung friendship nila.
"I know, i'm sorry" narinig ko ang sinseridad sa boses niya.
"No need to say sorry, wala ka namang kasalanan sakin"
"Baka nagtatampo ka na kasi ang dalas ko na banggitin siya tapos sayo ko pa hiningi yung number niya"
Buti nakakahalata siya, yung boyfriend mo hinihingian ka ng ibang number ng babae? Nakakaoffend yun.
"Kung pakiramdam mo magkakaganyan ako bakit sakin mo pa hiningi yung number?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"I'm sorry, hindi ako nagiisip Jira hindi ko sinasadya, akala ko kasi ayos lang"
"Ayos lang naman kaso parang dapat siya nalang jinowa mo kasi nung mga nakaraang araw siya din ang bukang bibig mo sa call natin 'kamusta si Erika?' 'Nakauwi na ba siya?', do you think masaya marinig 'yun galing sayo?" Pagak akong tumawa sa harap niya.
He pulled ang hug me tight pero hindi ko siya niyakap pabalik, parang ang bigat lang ng pakiramdam ko sa mga bagay na narerealize ko.
"I'll make it up to you" He says between our hug.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Ficção AdolescenteCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...