Chapter 3

53 2 0
                                    

Horny

Pagkatapos nung insidente na nangyari kahapon sakin sa bumble, binalak ko na sanang i-uninstall yung app pero naisip ko yung sinabi nung mga kaibigan ko na bakit hindi ko itry ulit baka dito magwork na.

So I plan to talk to someone else today, wala ng 24 hours basta pag nagmatch at mukha namang matino, keri lang pero magtatry naman ako ng ibang dating app.

I texted my friend na ngayon ko ikkwento sakanila yung resulta ng nangyari kahapon, ayoko kasi magkwento sakanila kahapon baka masira lang nila ang araw ko.

Tumawag na ko sa gc at ang babagal sumagot ng mga gaga, akala mo naman mga kagandahan.

"Hey" si Pollo yung unang sumagot ng tawag.

"Where's Ley?" Tanong ko sakaniya dahil ang tagal nitong sumagot.

"Bakit ba palagi mo hinahanap yung wala? Hindi ka ba nakukuntento na narito naman ako?" Tumatawa siya habang sinasabi yan, buti talaga sanay na kami sa mga ganyan niyang salitaan.

"Mama mo, sumbong kita kay Kai" and after I say that, biglang lumabas sa screen si Kai.

"Oh anong isusumbong mo sakin Jira?" Curious na curious naman 'to.

Tinignan ko naman yung unggoy at sinamaan ako ng tingin, yari ka sakin.

"Si Pollo kasi may sinasabi," huminto muna ako para makita kung anong reaksyon niya.

"Wala akong paki dyan kahit anong sabihin niya kahit na mambabae pa siya" natawa naman ako, kawawang unggoy.

Nakita kong magsasalita sana si Pollo but there is someone pop into our screen at ang gaga naka off cam.

"Hoy gaga" bungad na bati ni Kai kay Ley.

"Gaga ka din" hindi talaga nagbubukas ng camera, mukhang umiyak na naman.

"Gano kamaga yung mata mo ngayon para hindi ka magbukas ng cam?" We laughed at her.

"Kayo kaya kagatin ng ipis" naiinis na saad niya sa'min.

"Nakagat ka ng ipis? Kailan pa nagkaipis dito satin?" Yung kapatid pa talaga niya ang nanlaglag sakaniya.

"Kapatid ba talaga kita?" then she opened the cam.

"HAHAHAHAHA" mas lalo kaming natawa dahil sa itsura niya ngayon.

"Anong tinatawa tawa nyo?" Pinaningkitan niya kami ng mata at dahil dun tuluyan naming hindi makita yung mata niya.

"Magang maga mata mo ghorl, grabeng ipis naman yan nilaplap ata yung mata mo" totoo naman kasi grabe yung pagkakamaga ng mata niya.

"Pakyu ka Kai" ginawa niya pa yung sign para damang dama HAHAHA.

"Kung tatawanan nyo lang pala ko dito mas mabuting patayin ko nalang to" akmang mageend call na siya.

"Hoy wag, magkkwento ka pa samin" pagpipigil ko sakaniya.

"May bago pa ba sa kwento nya na 'ayaw na talaga sakin ni Kyto' 'iniyakan ko na sya at lahat pero ayaw nya pa din akong balikan'" sabat naman ng kuya niya pero hindi kami nagsasawa kahit ganyan lagi yung dahilan niya ng pagiyak.

"Hoy Apollo Keegan Moreal! Wag ka lang talagang papakita sakin dito sa bahay natin, kala mo ha!" Tinignan niya ng masama ang kuya niya.

"Kuya mo ko kaya wag mo ko ginaganyan!" Pakiramdam ko may magrarambulan na dito, group call rambulan.

"Wala ng kuya kuya dito, mapanlaglag kang walanghiya ka" halatang gigil na gigil na talaga ito sa kuya niya.

Biglang umalis sa harap si Ley at nakita naming lumabas sya ng kwarto niya at akala namin kung san pupunta pero nakita nalang namin na nasa camera na sya ni unggoy. Sinabunutan nya ito na naging dahilan naman ng pagtawa namin ni Kai.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon