Chapter 10

33 2 0
                                    

Gift

Normal pa ba talaga yung mabilis ka magtiwala sa isang tao? Hindi ba mali yun kasi pakiramdam ko hindi na tama itong ginagawa ko.

I felt na masyado akong naaattached sa mga taong nakakausap ko kaya in the end kapag naiwan ako lagi akong kawawa. But for now I will not think about it, I'll enjoy and experience this thing.

Kahapon lang simula ng nakausap ko si Yuwan, ang genuine niya kausap and parang wala kang mavavibe na dead air sakaniya kahit nga lang madalas ay mahangin at mayabang.

"Good morning, Jialein Euphrasia Reamco!" Panggi-gree niya sakin na para bang galit, hindi ko alam kung bakit medyo maaga 'ko nagising ngayon or baka dahil pakiramdam ko may naghihintay sakin.

"Good morning din Achim Yuwan Covaril" balik ko naman sakaniya.

"Ah bumabawi, buong pangalan din"

"Syempre hindi ako pwedeng magpatalo sayo no"

"Hindi ka na talaga matatalo kasi sakin palang panalo ka na" nagwink emoji pa ang mokong.

"Pano ko naging panalo sayo? Parang ikaw pa ang talo ko, sakit ka kaya sa ulo" pagiinis ko sakaniya.

"Bakit sumakit ba ulo mo sakin?"

"Sasabihin ko ba yan kung hindi?"

"Hindi ko naman papasakitin araw araw yang ulo mo baka nga ikaw araw araw toyoin"

"Weh hindi naman ako tinotoyo"

"Sinusuka lang?"

"Hindi, ikaw amoy suka. Pangalan mo palang nagsasabi na ng totoo, Asim Yuwan HAHAHAHA" natawa naman ako dahil naalala ko na naman yung basa ko sa first name niya.

"Trip mo talaga pangalan ko 'no?"

"Oo bakit bawal ba?"

"Pag sayo walang bawal bawal, lahat pwede kahit tawagin mo pa kong babe, love, baby" panghaharot niya na naman.

"Kung ano ano talaga sinasabi mo, halatang sanay ka na sa mga sinasabi mo sa mga babae mo"

Bumaba ako ng kwarto ko para kumain at hindi na muna ako nagpaalam sakaniya kasi hindi niya naman siguro kailangan malaman pa yung ginagawa ko minu-minuto.

"Good morning ma" bati ko kay mama nung makita ko siya.

"Good morning din Ji, maaga ka ata ngayon?" Ngumiti siya sakin dahil dito.

"Nagbabagong buhay ma" goodvibes ang ateng niyo ngayon.

"Maupo ka na diyan at kumain" kinuhanan ako ni mama ng plato at kutsara, wala kasi kaming katulong. Sinasanay ako ni mama at papa na matuto sa sarili at hindi umaasa sa iba pero pag nandito si mama hindi niya ko pinagagawa ng mga gawain kaya nakakamiss lang kasi ngayon mas madalas pa na mas madami siyang oras sa trabaho niya kaysa sa akin.

"Mukhang masaya ka ngayon ha?" Puna ni mama sakin.

"Bawal ba ma?" tumawa naman ako sa harap niya.

"Sana lagi kang ganyan" sabi niya pa bago sumubo ng pagkain.

"Sana nga ma" pagsang-ayon ko sakaniya.

Nakatapos na kami sa pagkain at umalis na si mama, dapat ay huhugasan niya pa ang mga pinaggamitan namin pero dahil baka malate siya sinabi kong ako nalang.

"Remember when I told you
No matter where I go
I'll never leave your side
You will never be alone" pagkanta ko habang nagsasabon ng mga plato.

Para sakin talaga mas masaya maghugas ng plato or gumawa ng mga bagay kapag kumakanta ka ganun, parang nakakagoodvibes lang.

"Even when we go through changes
Even when we're old
Remember that I told you
I'll find my way back home" pagpapatuloy ko pa dito dahil ito ang madalas na marinig ko ngayon.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon