Chapter 17

20 1 0
                                    

Busy

"Anong ginagawa mo?" Panguusisa naman nitong unggoy na chismoso.

"Tinatawagan yung manliligaw ko na nambababae" tumawa pa 'ko ng peke para kunyari masaya.

"Gusto mo ba sapakin ko na?" Akmang tatayo siya pero pinigilan ko, alam ko ang mga kayang gawin nitong lalaking 'to.

"Ibigay mo nalang sakin 'to, ako na ang bahala" kunyari chill lang para hindi niya sugurin kasi ayokong gumawa siya ng eskandalo.

Hindi ko alam pero parang hindi manlang napapansin ni Yuwan ang presensya na nandito ako, tuwang tuwa pa siya sa kausap niya.

"The number you have dialed is busy at the moment please try your call later"

"Isa nalang na hindi mo pagsagot malilintikan ka sakin" sabi ko habang nakatingin sakaniya na tila mo ay naririnig ako.

Narinig nga ata ako dahil bigla niyang kinuha yung cellphone niya, napakunot pa ang noo niya ng makitang may tumatawag sakaniya.

"Jira" panimula niya.

"Busy ka pa ba?" Pinilit kong maging kalmado yung boses ko.

"Oo e," wow busy sa kakalandi.

"Ah kaya pala" tumayo naman ako, hinayaan lang ako ni Apollo kasi alam niyang kaya ko na ito.

Nagulat at napatayo si Yuwan nung makita ako na nasa harap niya na.

"Grabe ang busy mo naman pala" tumawa pa 'ko ng mapakla.

"Jira mali ang iniisip m---" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya.

"Busy naman pala mambabae, ayos lang yan pero sana nagpaalam ka na yan pala ang gagawin mo" hindi ko gustong gumawa ng eskandalo pero hindi na 'ko makapagpigil.

"Hindi ko---" tinakpan ko na ang bibig niya.

"I don't need your explanation okay? Nakita ko na nga tapos gusto mo pa ko gawing tanga?" Tinignan ko naman yung babae na parang kabado sa nangyayari.

"Jowa ka ba nito?" Hindi niya alam kung anong gagawin niya.

"A-Ah miss mali ang iniisip mo" halatang halata na kabado ang gaga kaya humalakhak nalang ako sa mga walang kwentang nangyayari.

"Bakit ko pa nga ba itinatanong yun, wala pa naman akong kilala na umamin na kabit sila ng jowa ng iba" syempre laging itinatanggi.

Tinanggal ko na ang pagtatakip ko sa bibig ni Yuwan at isinampal ko ito sakaniya.

"You deserved that! Gago ka!" Bumalik na 'ko sa upuan namin ni Apollo para ayain siya, naglabas na siya ng pera kahit di pa kami nakakakain.

"Jira, let me explain" hinawakan niya ang braso ko pero wala akong pakialam sakaniya.

"Pre bitawan mo na, hindi ka na nga gustong kausapin" si Apollo na ang nagtanggal ng kamay niya sa braso ko.

"Ano bang pakialam mo?!" Nanggigigil na tanong ni Yuwan dito.

"May pakialam ako kasi kaibigan ako, e ikaw? Manliligaw palang pero nambabae na" akmang susuntukin ni Yuwan si Apollo pero pinigilan ko siya.

"Subukan mo" pagbabanta ko sakaniya kaya hindi niya na naituloy.

"Apollo umalis na tayo dito" saad ko habang nakatingin pa din kay Yuwan, kinukuha niya pa kasi yung pinamili namin.

"Mukhang girlfriend mo nga yung kasama mo, ako pa ata yung naging kabit saming dalawa" ngumiti pa 'ko ng peke.

"Jira pakinggan mo 'ko" pagmamakaawa niya.

"Puntahan mo na yun, dun ka magpaliwanag" tinalikuran ko na siya pero bago pa 'ko maglakad nagiwan pa 'ko ng salita sakaniya.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon