Chapter 24

23 0 0
                                    

I'll be

Ilang buwan na naman ang lumipas at nagpasukan na kami, hindi pa namin gustong pumasok pero wala naman kaming magagawa. Sobrang bilis ng panahon, pakiramdam ko yung isang buwan parang isang linggo nalang.

Ilang linggo din ang lumipas bago pinatigil ni mama si Yuwan sa pagiigib at pagsisibak, pursigido kasi itong si Yuwan kahit na pumayag na si mama sa relasyon namin nung unang punta niya palang, masyadong paimpress si mokong kaya nakuha niya din ang loob ni mama. Madalas siya sa bahay namin at sanay na si mama doon, minsan nga kapag hindi pumunta 'yun hahanapin pa ni mama.

"Si Yuwan? Hindi ata pumunta?" Curious niyang tanong sa akin.

"Ma nasanay ka na atang nandito 'yun, may sarili namang bahay yun ha" tinawanan ko pa siya.

"Iyun lang naman kasi ang kasama mo dito kapag umaalis ako e, alam mo naman komportable ako sa bantay mo"

Malakas na ang kapit ni Yuwan kay mama dahil botong boto na ito sakaniya, kung ano ano pa ngang papuri ang sinasabi niya dito. Alam ko naman talaga na mangyayari ito, na gugustuhin din ni mama si Yuwan para sakin dahil maganda talaga ang ugali at hangarin nito.

Sino ba ang tatanggi sa isang Yuwan Covaril di ba?

Katulad nga ng sinabi ko ay may pasok na, nakapasa ako sa unibersidad na mga pinagexaman ko pero dito pa din ako sa dati 'kong school nagenroll kasi pakiramdam ko ay masyado akong madaming maiiwan pag nagkataon. Katulad ni mama at Yuwan, may boyfriend na ako ngayon at baka mamaya hindi pa namin kayanin ang ldr kaya dito nalang din ako, pumayag naman si mama dun dahil kapag umalis naman ako dito sa probinsya namin wala na siyang magiging kasama dito dahil hindi pa rin nagpaparamdam si papa sa amin.

Hindi ko alam kung nasan siya, hindi na din siya nagtetext pero alam ko namang nasa mabuting kalagayan siya dahil hindi niya pababayaan ang sarili niya.

"Ready ka na ba?" Tanong ni Yuwan nung nakapasok na kami sa sasakyan niya, weekend ngayon at pupunta kami sa agency nila. Manonood ako ng shoot niya ngayon, this is not my first time kasi nakapunta na ako doon noon at napakilala niya na ako pero hindi ko alam kung bakit lagi niya nalang ako tinatanong ng 'ready ka na ba?'

Nagpaalam siya kay mama ng sunduin niya ako dito at sinabi naman ni mama na magingat kami, tiwala naman ito kay Yuwan. Minsan nga nagseselos na 'ko dahil parang si Yuwan pa ang anak niya!

Nakarating na kami kung saan nakatayo ang building ng agency nila, halatang bigatin talaga e.

"Good afternoon Sir Yuwan, kanina pa po kayo hinihintay para sa shoot niyo" nagtaka naman ako dahil sabi ni Yuwan ay maaga pa kami kaya naman nagayos ayos muna ako kanina sa amin.

"Akala ko ba mamaya pa ang shoot niyo?"

Nagkamot naman siya ng ulo dahil dito at hindi na nakasagot pa.

Sumama ako sakaniya ngayon dito dahil gusto ko naman maramdaman niya na sinusuportahan ko siya sa gusto niya, supportive girlfriend kumbaga.

"Pre bat di mo ipasok na model sa agency natin yang si Jira?" Tanong nung isa niyang kaibigan dito sa agency nila.

Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero may itsura at may ipagmamalaki naman ako.

"Baka dumami kaagaw ko saka ayaw niya din sa ganito" he looked at me and hold my hand.

"Pwedeng respeto naman sa single?" tumawa yung lalaki bago siya umalis at ako naman ay ngumiti.

"Baliw talaga" umiiling naman siya habang tumatawa dahil sa sinabi nung lalaki.

"Upo ka muna dyan, bihis lang ako." Hinalikan nya muna ako sa noo bago siya umalis papuntang dressing room.

Nagsimula na ang kanilang photoshoot at ito ang unang beses ko na napanood sya sa kaniyang ginagawa, masasabi ko na magaling sya, halatang kabisadong kabisado niya na ang dapat niyang gawin tapos ang lakas pa ng dating.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon