Chapter 27

21 1 0
                                    

Sabihin mo na

"Couz I miss you" she hugged me tight kaya naman sinuklian ko din ang pagkakayap niya.

Erika is my cousin, she's a bit older than me at madalas lang siya umuwi dito sa Batangas dahil sa Manila siya namamalagi at parang ayaw na ayaw dito. Close naman kami kahit papano kasi iilan lang naman kaming magpipinsan.

"I miss you too, kailan ka pa nakauwi dito?" I asked her.

"Ngayon lang and naisipan kong dumaan dito para bilhan ka ng pasalubong kasi sainyo ako tutuloy," excited niyang saad, excited din naman ako pero hindi naman sobra dahil samin din naman 'yan tumutuloy kapag uuwi siya dito kasi wala naman daw siyang makakasama sa bahay nila.

"Btw you like that dress?" Tinuro niya yung dress na inaayos na nung babae para mabayaran niya na.

"Oo sana kaso naunahan mo na 'ko" tinawanan ko siya.

"Gaga para sayo din naman 'yan, sabi na at magugustuhan mo 'yun" alam na alam niya talaga kung ano ang mga gusto ko dahil kapag nandito siya ay namimili din kami.

Lumapit na siya sa counter kaya naman hinayaan ko na muna siya at hinintay siya dahil nakakahiya naman na umalis ako dito ng hindi manlang nagpapaalam sakaniya.

"Hey sabay na tayo umuwi, pauwi ka na ba?" Agad niyang tanong pagbalik sa pwesto ko.

"Hindi pa e, may kasama kasi ako" inilibot ko naman ang mata ko para makita kung nasan na si Yuwan dahil ang tagal niya.

"Nako nagdadalaga ka na ha" kinurot niya pa ako sa bewang.

"Hey love, are you done? Anong nabili mo?" May biglang nagsalita sa gilid ko kaya naman hinarap ko siya at umiling sakaniya.

"Y-Yuwan" halos pabulong nalang na sinabi ni Erika pero narinig ko kaya napaharap ako sakaniya.

"Kilala mo siya?" Masigla kong tanong sakaniya dahil hindi ko akalain ito.

"Ofcourse sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Achim Yuwan Covaril" parang kinakabahan siya.

Iba talaga 'tong si Yuwan pati pinsan ko ay kilala siya pero nagmodel din naman kasi itong pinsan ko kaya baka nagkasama na sila.

"Btw he's my boyfriend" I smiled at her pero parang nalukot ang mukha niya sa nalaman niya.

"B-boyfriend mo siya?" Tinignan niya ko at pagkatapos naman kay Yuwan na parang nagtataka ito sa sinabi ko.

"Yes, i'm her boyfriend wala naman sigurong problema dun?" Mayabang na ani ni Yuwan.

Siniko ko naman siya dahil napailing nalang itong pinsan ko sa sinabi niya.

Inaya na namin si Erika na sumabay samin sa pagkain at pumayag naman siya dahil gusto niya atang makaget together din itong si Yuwan pero akala ko lang pala 'yun dahil ngayon ay sobrang tahimik dito sa lamesa namin.

"Kamusta si Yuka? Hindi mo kasama ngayon ah?" I asked her kasi dati naman ay madalas niya itong kasama.

"My daughter is fine" ngumiti pa siya sakin pero nagulat naman ako dahil nasamid itong katabi ko kaya hinaplos ko ang likod niya.

"Ayos ka lang ba?" I asked him with full of concern.

Tumango naman siya sa akin bago tumingin kay Erika.

"May anak ka na pala?" Seryoso nitong tanong.

"Yes, isa sa mga rason kung bakit ako umalis sa agency natin." Pagpapaliwanag niya kay Yuwan. Nagkasama pala talaga sila sa iisang agency kaya magkakilala.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon