Prologue
"What the hell is this?!" Sigaw ko sa sekretarya ko, kauuwi ko lang ng Pilipinas tapos may problema na.
"Ma'am, i'm sorry hindi naman po namin alam na magbaback-out yung isa sa kinuha namin." Nakayuko niyang sagot at pakiramdam ko'y ano mang oras ay iiyak siya sa harap ko.
"Walang magagawa yang sorry mo, maghanap kayo agad ng papalit dyan!" Nakakahigh blood naman ang ganito.
"kailangan niyong makahanap agad ng ipapalit dahil nalalapit na ang launching"
Hinilot ko ang aking sintido dahil sa nangyayari, kaya ayoko umuwi ng Pilipinas dahil puro problema lang ang nararanasan ko dito pero walang magagawa dahil kompanya ko ito kaya kailangan kong solusyonan.
"Opo ma'am" sagot niya at lumabas na ng opisina ko.
"Why do I have to experience this kind of stress?!" Sigaw ko sa loob ng opisina ko. Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa problema.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si mama, kailangan niya malaman ito. Nagring naman ito at sinagot nya agad.
"[Hello Jira]"
"Ma, nagback-out yung isa sa mga model natin. What should I do? Malapit na yung launching" bungad ko sakanya.
"[Huh? Bakit daw? Baka naman kasi mababa yung offer nyo]" natatawang sabi ni mama habang ako ay namomroblema.
"Ma kauuwi ko lang dito pero ganito agad bubungad sakin, masyado daw gahaman yung model sabi nung secretary ko, pinatataasan daw nito ang talent fee niya."
Nag-init na naman ang ulo ko dahil naisip ko na naman yung model na yun, sinabi sakin nung secretary ko na gusto ba naman daw nito na pataasan ang bayad sakaniya, kung tutuusin nga siya lang ang nagdemand ng ganun kumpara sa mga ibang model na nakuha namin, akala mo naman napakasikat niya e sakanila ngang lahat siya pa ang hindi ko kilala.
"[May naisip ako,]" nagsalita si mama sa kabilang linya at ramdam ko ang pagngisi niya kahit hindi ko siya nakikita ngayon.
Parang kakaiba ang naiisip nito, dami pa naman kalokohan sa isip ni mama, syempre dito lang naman ako nagmana.
"Bakit parang hindi ko gusto yang naiisip mo ma?" Bigla naman siyang tumawa sa kabilang linya.
"[Di ko pa nga sinasabi ayaw mo na agad]" hindi na ko sumagot at hinintay nalang ang sasabihin niya.
"[Why don't you contact your ex? Yung na-meet mo online, he is a model right?]" Thanks to mama because I almost forgot na mayroon akong ex na model.
"Bat di ko naisip yan ma?" Sarkastiko kong sagot sakanya pero kahit naisip ko to ay hinding hindi ko gagawin.
"Ma matagal na yung panahon na yun at wala na kong balita kung model pa ba siya o baka malay mo drug pusher na pala siya now."
And that's true, wala na kong balita sakaniya nung umalis ako dito sa Pilipinas kasi hindi ko na gusto malaman kung ano pang nangyayari sakanya dahil ano pang sense di ba.
"[Syempre hindi mo namana ang pagiging brilliant ko]" naikunot ko nalang ang aking noo dahil nagbubuhat na naman ito ng sariling bangko.
"Edi ikaw mag-contact sakanya ma, ikaw nakaisip e."
Parang mali pa atang tinawagan ko sya kasi nakakuha nga ako ng sagot pero iniinis naman ako. Bumalik pa sa nakaraan na dapat kinakalimutan na at mabuti nalang ay nakalimutan ko na.
"[Mas maganda kung ikaw kasi patay na patay sayo yun noon.]" Nang-iinis na saad ni mama sakin.
"Patay na patay NOON, mama noon na yun. Baka masaya na siya ngayon sa iba" I think my voice here is a little bit disappointed at sana hindi yun nahalata ni mama.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Fiksi RemajaCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...