Ring
After what happened between me and mom, naramdaman kong mas naging okay kami. Madalas na siyang may oras sakin at bumabawi siya.
Hindi ko pa nasasabi sakaniya yung about sa amin ni Yuwan kasi kinakabahan pa 'ko at ayoko munang masira yung kung anong mayroon kami.
"Ma i'm going to the school today, magrereview ako for the upcoming CETS" pagpapaalam ko sakaniya.
"Sure, anong oras?" Tanong niya sakin.
Tumingin pa ko sa oras para siguraduhin kung ano nga bang oras ako aalis.
"Baka mga tanghali pa ma, anong oras na din kasi magaayos pa ako" inform ko sakaniya.
"Sayang sige hahatid pa sana kita kaso may appointment ako ngayon" nanghihinayang niyang tugon sa akin.
Nagkwentuhan pa kami bago siya umalis, nakakasabay ko na din siya madalas sa umagahan kahit medyo late ang gising ko.
Si Yuwan ang magrereview sakin para sa exam kasi mas may alam na siya dito, I'll try all the school that I know kasi baka hindi ako pumasa kapag isa lang yung inexaman ko.
It's also our monthsary kaya pagtapos nitong pagrereview namin, we will go to the mall para makapagcelebrate.
This is my first time, celebrating a monthsary with him and sa buong buhay ko ngayon 'ko lang mararanasan ito.
My man: Happy Monthsary, love. I love you so much.
Text sakin ni Yuwan, siya ang nagset ng pangalan niya sa contacts ko dahil wala daw akong kasweet sweet sa katawan at Yuwan lang daw ang nilalagay ko.
Me: Happy Monthsary, 'wag mo na 'ko isurprise sayang lang sa pera yun.
Pagbibiro ko pa sakaniya at alam ko namang hindi niya gagawin 'yun.
My man: Asa ka naman masyado, bakit ko gagawin 'yan? Ganda ka ba?
Napakasweet niya di ba? Kaya ang sarap batukan e.
Me: Oo sobrang ganda kaya nagustuhan mo. Papunta na 'ko sa library.
My man: Buti naman kanina pa 'ko nandito, kupad talaga misis.
Pagrereklamo niya kaya naman tinawagan ko siya para pagalitan.
"Anong nirereklamo mo?" Bungad ko sakaniya pagkasagot niya ng tawag.
"Wala naman akong nirereklamo" para pang natatawa siya sa background.
"Under si master Yuwan" may tumawa pa na pakiramdam ko kasama niya.
"Nandyan sila Luigi?" Pagtatanong ko sakaniya.
Ipinakilala niya na kasi sakin yung mga kaibigan niya noong nakaraan.
"Si Jira nga pala, ang nagmamayari ng puso ko" siniko ko naman siya kasi kung ano anong sinasabi niya sa mga kaibigan niya kaya naman naghiyawan ang mga ito, nahiya ako bigla.
"I'm Luigi, buti pinakilala na kami sayo" inabot niya pa ang kamay niya pero si Yuwan ang umabot ng kamay niya kaya natawa ako.
"Grabe hindi pwede hawakan ang kamay, iba si master" pangaasar sakaniya.
"Suntukin ko kayo sa ngala ngala gusto niyo?" Lagi nalang away gusto nito, kapag ito inaway ko baka hindi siya makapalag.
"I'm Dylan, hindi na 'ko magaabot ng kamay kasi si Yuwan din naman ang aabot, may germs pa naman 'yan" umakto pa siya na parang nandidiri.
"Kapal ng mukha mo" tugon naman ni pikon.
"Kailangan ko pa ba magpakilala?" Pagtatanong ni Kyto na ex ni Ley.
![](https://img.wattpad.com/cover/229034565-288-k120754.jpg)
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Novela JuvenilCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...