Chapter 23

24 0 0
                                    

Detalye

Madami kaming nagawa sa araw na 'yun at siya lang talaga yung nakakapagparamdam sakin ng ganung saya.

Wala akong naihanda na regalo nung araw na 'yun dahil hindi ko alam ano ba ang dapat kong iregalo sakaniya dahil sabi ko nga halos lahat ay mayroon na siya. Hindi na kasi masyadong naappreaciate ng tao yung isang bagay kapag meron na sila nun.

Napadaan kami sa isang bilihan ng teddy bear, hindi ko alam kung mahilig siya dun pero hinila ko siya papasok sa loob ng store.

"Good evening ma'am and sir, ano pong hanap niyo?" Habang tinatanong niya 'yan ay kay Yuwan lang siya nakatangin tapos parang kinikilig pa na nandun si Yuwan.

"Kapag ba sinabi kong bibili ako ng yelo dito may maibibigay ka ba? Syempre teddy bear shop ito kaya malamang 'yun ang hanap namin" singit ko naman para mapansin niya 'ko.

Napabaling naman ako kay Yuwan bigla dahil bigla siyang natawa sa sinabi 'ko.

"Ah for couples po ba?" Tumango naman ako, dinala niya kami sa teddy bear na may mga pangcouple.

Iniwan na kami nito para makapamili kaming dalawa.

"Para kanino mo naman ito ibibigay?" Kuryoso namang tanong ni Yuwan.

"Baka sa isa ko pang jowa!" Pagtataray ko sakaniya pero imbis na magalit siya ay natawa nalang siya sa sinabi ko.

"Ito maganda," may tinuro siyang teddy bear na may hawak ng moon at star.

"Hilig mo sa ganitong design ah" kinuha ko naman yung dalawa at tinignan ko ito, maganda nga.

"Syempre star and moon symbolizes us" sabi niya pa at inagaw sakin yung teddy bear.

"So this is for you," bigay ko sakaniya ng teddy bear na may design na star.

"And this one is for me" tinignan niya naman ito.

"Euphrasia papangalan ko dito para sayo nanggaling yung pangalan ng anak natin" kinindatan niya pa ako.

"Anong anak? Baliw ka, kung ano anong sinasabi mo" pinalo ko pa siya dahil dun.

"Anak natin 'yan magkahiwalay nga lang sila ng bahay" kinuha niya naman sakin yung isang manika.

"Euphrasia at Achim, maghihiwalay muna kayo ha, hindi pa kasi pwede magsama si mommy at daddy, kaya ikaw Achim bantayan mo si mommy mo ha" natatawa pa 'ko dito dahil nababaliw na ata at kinakausap ang mga teddy bear.

Kinuha ko na sakaniya ito pagtapos niyang kausapin at dumiretso na 'ko sa cashier para bayaran ito, sinabi ko pa na paghiwalayin ng paper bag dahil para kay Yuwan ang isa nito, this teddy bear will be my gift to him for our 1st monthsary.

"Saan tayo? Arcade?" Kinuha niya sa kamay ko yung dalawa kong paperbag na bitbit at siya na ang nagbitbit while yung isa niya namang kamay ay nakahawak sa isa ko pang kamay na para akong mawawala.

Nang makarating kami sa arcade ay kung ano ano ang nilaro namin, halos inubos na namin ang oras namin dito.

"Let's play basketball"

"Osige" tumango naman ako dahil sanay naman ako maglaro ng ganito dahil tinuturuan kami minsan ni Apollo sa bahay nila ng ganito.

"Pero syempre dapat may twist," nginisihan pa ko nito at parang ayaw ko sa naiisip niya lalo na at pakiramdam ko mamaw 'to sa basketball.

"Ano naman yun?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Magdedare yung mananalo at bawal humindi kasi nga natalo na nga e" nanghahamon niyang saad sa akin na parang siguradong sigurado na siyang siya ang mananalo.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon