Chapter 13

26 1 0
                                    

For real?!

"Kailan ba kasi kita makikilala in personal" tanong ko sa cellphone ko na may picture ni Yuwan, I want to meet him pero ayoko namang ako yung mag-aya sakaniya.

"Hoy anong makikilala ka dyan?" Tanong ni Kai na halatang bagong gising, nakita kong kinukusot niya pa yung mata niya.

"Sigaw sigaw ka pa ha, bahay mo ghorl?" Nakalimutan ko na wala pala ko sa bahay namin.

Napakamot nalang ako ng ulo, ang aga kong nagising dahil sa paepal na si Yuwan, halos di ako pinatulog nung sinabi niya na hintayin ko daw siyang makabalik ng Pilipinas.

I'm so excited na makabalik siya dito sa Pilipinas and syempre i'm a bit nervous kasi baka hindi niya ko magustuhan kapag nakita niya ko.

"Ay sorry may natutulog pala" paghingi ko ng paumanhin, di ko naman kasi sinasadya.

"Hindi ba halata bhie?" Nagagalit na siya kasi na interupt ko na naman ang tulog niya.

"Nung isang gabi ginulo niyo din ni Ley yung tulog ko tapos ngayon nagsisisigaw ka na parang walang natutulog. Yung totoo, nagaadik ka ba Jira?" Pambibintang niya pa sakin.

"Sige na matulog ka na ulit, wag ka ng gigising" sabi ko sakaniya pero binato niya lang ako ng unan.

"ANG INGAY NYO!" Sigaw naman ni Ley, ito pa naman ang hindi magandang nagigising.

Nahiga kami bigla ni Kai at nagpanggap na tulog dahil baka mabugahan kami ng apoy ni Ley, dragon pa naman 'to kapag nagigising.

"Asan na yung maiingay?" Naramdaman kong umupo siya.

"Ano yun panaginip ko lang yung maingay? Bat naman hanggang panaginip nambubulabog kayo" gusto kong matawa dahil nararamdaman ko yung sobra niyang pagkairita kasi nagising namin siya tapos akala niya pa panaginip yun.

"Makatulog na nga lang ulit" bumalik na siya sa pagkakahiga.

Pauwi na kami samin ng tumawag si Yuwan, ayos lang naman na kausapin ko siya sa harap ng mga kaibigan ko.

"Hello, why?" Bungad ko naman sakaniya.

"Nako Yuwan na naman" kantyaw naman nitong katabi ko sa backseat na si Kai.

"Good morning, kumain ka na?" Halatang bagong gising lang siya dahil sa boses niya.

"Bakit magpapakain ka ba kung hindi pa ko kumakain?" Tanong ko naman sakaniya.

"Sure, magpapakain naman ako basta sayo lang" tumawa pa siya sa kabilang linya.

"Ang halay talaga ng utak mo no!" Sigaw ko sakaniya dahil ang aga aga ano anong naiisip.

"Hoy malapit lang yang kausap mo ingay mo" reklamo ni Apollo sa pagsigaw ko.

"Pauwi na ko, kumain ka na dyan mukhang kagigising mo lang" paalala ko sakaniya.

"Yuwan alam mo ba" inagaw naman sakin ni Kai yung cellphone at niloudspeaker niya pa.

Hindi ko alam kung bakit ang hilig mang-agaw ng cellphone ng mga kaibigan ko. Siguro dati nilang trabaho yung pandurukot kaya inaagaw nalang bigla cellphone ko.

"Hindi pa" sagot naman sakaniya ni Yuwan kaya natawa 'ko, barado ka ghorl?

"Epal naman, bagay talaga kayo ni Jira parehas na epal" inirapan niya pa ito.

"Ayos lang yun atleast bagay kami di ba" proud na proud pa ang mokong.

"Osige hindi ko na itutuloy yung kwento ko" umarte naman 'tong kaibigan ko na parang nagtatampo. Yung dalawa naman sa harap ay busy sa kanya kanya kaya di kami pinapakialamanan.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon