Ready?
It's been a month since I chat with Yuwan, hindi ko alam kung tama pa ba yung ganito na sobrang bilis ko magtiwala pero anong magagawa ko magaan na agad yung loob ko sakaniya.
Sa isang buwan na pagkakilala namin, madami na kaming nalaman sa isa't isa. Hindi na ito katulad nung sa poser ni Allen noon na may mga times na naawkward ako, I just feel comfortable with this person.
Yuwan is a kind of person na magugustuhin mo talaga kasi parang nasa kaniya na nga yung hinahanap mo sa isang tao, he will always care for you at hindi ako nagaalinlangan na magsabi sakaniya ng mga ginagawa at problema ko kasi lagi din siyang nandyan.
Saka alam kong hindi na 'to katulad noon na poser because I know all of his social media account. We always talk like the other lovers, I mean other people.
"Kire mo patingin tingin ka pa dyan sa cellphone mo" pagpuna sakin ni Kai dahil check ako ng check kung may message ba si Yuwan.
Kanina pa talaga siya nagmemessage pero siniseen ko lang dahil nagkatampuhan kami kagabi.
"Oh bakit masama ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nasa bahay ulit kami ngayon nila Ley, lagi naman namin itong tambayan kulang na nga lang dito na kami tumira ni Kai.
"Guys si Jira dalaga na" sinigaw niya pa talaga dun sa dalawa.
"Kailangan ibroadcast?" Sinisira talaga nito ang araw ko, sira na nga e.
"Sana all may jowa" komento naman ni Ley.
"Sana nga" sabi ko at kahit ako ay nahimigan ko ang lungkot sa sarili kong boses.
Lumapit naman samin yung dalawa para lang asarin ako.
"Label muna bago tampuhan" tumawa naman silang tatlo.
Ambang papaluin ko ng unan si Kai dahil sa kakaasar niya pero bigla siyang tumakbo kaya nauwi kami sa paghahabulan sa loob ng bahay.
"Naghabulan ang mga bata" pagpuna naman samin ng akala mo ay matanda. Nagkatingin kami ni Kai, agad niyang kinuha ang pinakamalapit na unan sakaniya, tinignan ko din si Ley at ganun din ang ginawa niya.
Nilapitan namin si Apollo at pinalo ng unan na mga hawak namin.
"Hoy tama na masakit na" pagpipigil niya samin pero makulit kami.
"Bata pala ha" sabi ko sakaniya at tumawa pa.
"Ayan deserve mo yan gurang ka" at mas lalong nilakasan yung palo niya ng unan.
"Minsan lang kami makabawi sayo kuya" tawa naman ng tawa itong kapatid niya.
"Kapag ako nakawala dito, sainyo ko ipapalo isa isa yan" sigaw niya naman sa aming tatlo.
"Hindi ka na makakawala kaya wag kang magalala hindi kami natatakot" sagot ko sakaniya at pinalo pa siya.
"Tama na kasi" nanghihina na yung boses niya dahil sa palo na mga natatanggap niya sa amin.
Hinawakan niya yung mga banda kung san namin siya pinagpapalo, para siyang nabugbog dahil ginawa namin. Tatanungin ko na sana siya kung saan masakit para naman makabawi sakaniya pero hindi ko na itinuloy dahil may nauna na.
"Hoy ayos ka lang?" Rinig mo sa boses niya ang pagiging concern.
"Pano magiging ayos? Ang sakit ng ginawa niyo" pagsusungit nito, pinanood ko lang silang dalawa.
"Saan ba masakit?" Tanong naman nitong si Kai.
"Gagamutin mo ba ha? Baka lalo mo lang pasakitin" hinawakan niya lang yung part na masakit sakaniya.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Genç KurguCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...