Chapter 4

42 3 0
                                    

Is he?

Pagtapos ng pangyayari na yun tinawagan ko agad ang nagiisang nagrekomenda sa akin ng app na yun.

Nagring naman ito at tulog na ata ang gaga dahil halos magaala una na ng umaga.

"Bwisit ka sagutin mo!" sigaw ko sa screen ng cellphone ko at tinawagan ko ulit sya, wala kong pakialam kung magising ko pa siya.

Nakalimang tawag na ata ko bago ko niya sagutin ito.

"Oh sino ba to ang aga naman?" Halatang galing pa sya sa gising dahil sa boses nya.

"Nakakainis ka bakit naman hindi mo ko ininform na may mga bastos pala dun sa tinder?!" Halos magpapadyak na ko dahil naalala ko na naman yung nakita ko.

"Oh Jira ikaw pala yan" Narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya.

"Wag mo ko tawanan kung ayaw mong masabunutan kita 'pag nagkita tayo" totoo itong sinasabi ko at kayang kaya ko siyang puntahan ngayon dahil nanggigil ako sakaniya.

"Easy lang Ji!" Pag ito namatay sa kakatawa, masyado ata siyang masaya dahil sa nangyari sakin.

"Hindi ba kita nainform na kapag mga ganitong oras madalas na active at gising dyan ay yung mga horny?"

"Pucha edi kung nainform mo ko baka di na ko tumuloy dito di ba?! Alam mo naman ayoko ng ganong tao" reklamo ko sakaniya.

Nakakainis lang kasi yung mga taong walang respeto sa sarili, grabe yung pagaalaga ko sa katawan ko tas ipapakita ko lang sakanila, ano sila hibang?!

Naramdaman ko namang huminto na sa pagtawa si Kai.

"Ano ubos na tawa mo?" Nakakunot ang noo ko dahil sakaniya kahit hindi niya ko nakikita.

"I'm sorry okay? Ngayon alam mo na kaya wag mo na ko sisihin sa susunod, natutulog yung tao nambubulabog ka" naghikab pa siya kaya halata mong antok na antok pa siya.

"Hindi kita bubulabugin kung hindi ako nakaencounter ng ganitong tao!" Sinigawan ko sya sa kabilang linya.

"Chill ka lang okay? Itulog mo nalang yan para mawala init ng ulo mo." Binabaan ko naman sya pagtapos sabihin yun.

Ano ano pa ba ang maeencounter ko dito sa mga dating app na to? Ang hirap naman pala gumamit nito.

Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising pero hindi muna ako bumaba dahil alam ko namang wala akong aabutan sa baba dahil ako lang naman mag-isa dito kasi pumapasok si mama sa trabaho busy na tao yun kaya nga walang oras samin ni papa.

Hinawakan ko agad yung cellphone ko kasi yan na almusal at tanghalian ko.

Napagisip-isip ko kagabi na bigyan ko pa ng last chance tong dating app pero hindi ko na muna gagamitin yung tinder dahil sa sinabi ni Kai.

"Base on my experience sa tinder mas marami kang maeencounter na mga horny dun kahit anong oras, opinyon ko lang naman yan saka baka kaya ganun kasi di ba mas marami tayong naeencounter na tao dun kaysa sa ibang dating apps na yung medyo malalapit lang sayo naeencounter mo and hindi ka makakaencounter ng mga taga ibang bansa." tinext nya yan sakin kagabi pagtapos namin magusap.

When I open my bumble app there is someone na lumabas sa screen ko with his information at masasabi kong gwapo sya, this is my type pero kung ikukumpara ko sya dun sa una kong nakamatch dito sa app na to, masasabi kong mas gwapo yun. Nahawa na ata ako kay Kai na patambay tambay nalang sa mga dating apps.

When I swipe right his picture, nagnotif agad sakin na we are match daw at ibig sabihin nun ay nagswipe right din siya.

To: Allen
"Hey, what's up?" I started the conversation kasi yun yung rule dito.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon