Chapter 32

27 2 0
                                    

Safe Place

Noong mga nakaraaang araw ay panay ang text sakin ni Kian, I entertain him naman kasi mabait naman siya.

"Ayos ka lang ba diyan? Mukha kang kabado ghorl" pangiinis ko dito kay Apollo.

"Sinasabi mo diyan? Hindi ako kinakabahan" pagtatanggol niya sa sarili niya.

Papunta kami ng bar ngayon dahil naisipan naming magreunion ng mga kaibigan ko, hindi ko alam kung sino pa ang inimbita nila pero wala naman akong pakialam.

"Magkikita na kayo ng greatest love kuno mo" pagtawa ko pa.

"Sige ganyanin mo 'ko, bawian kita mamaya" nginisihan niya naman ako kaya napatikom bigla ang aking bibig dahil baka mamaya ay kung ano pa ang gawin nito.

"Oh nandito ka din?" Tanong ko sa nakasalubong ko sa loob.

"Oo e, inimbita kasi ako ni Apollo" napakamot pa siya sa ulo.

"Kian, akala ko ba hindi ka makakapunta?" inakbayan naman ito ni Apollo. Tinignan naman nila ako.

"Ah okay okay alam ko na kung bakit ka naparito" nginisihan naman ako nito na parang may naiisip na kung ano kaya naman naglakad nalang ako at hinayaan silang sumunod.

"Sira ka, tigil tigilan mo 'yan baka maawkward sakin si Jira" rinig ko pang sabi nitong isa.

"JIRAAAA!" agad na lumapit sa akin si Ley kaya nagkayakapan naman kami.

"It's nice to see you again" sabi naman ni Kai habang nakatingin sa amin.

Parang ang cold niya ngayon ha? Baka nagbreak sila ng jowa niya pero hinayaan ko nalang.

"Ayos ka lang?" nagaalala kong tanong dito.

"Ofcourse" ngumiti siya ng parang pilit at nilagok ang kaniyang inumin.

"Bakit kayo magkasama ni kuya sa ibang bansa? Hindi niyo manlang kami sinama" pagtatampo naman nitong isa.

Ngunit bago pa ako makasagot ay may dumating pa na isa at halatang dito siya sa table namin.

"Am I late?" tanong nito bago maupo sa upuan na katabi ko.

Bale siya ang katabi ko sa kanan at sa kaliwa naman si Kian. Grabe anong ginawa ko at nakapagitnaan ako ng naggagwapuhang mga lalaki, kidding.

Tinignan ko ng masama ang mga kaibigan ko ngunit nagkibit lang sila at ang iba ay iniiwas ang tingin sa akin. Itong dalawang katabi ko lang ata ang nakatingin sa akin dahil itong isa ay walang kaalam alam.

"Kahit nasaan ba talaga ako, nandun ka din?" tanong ko dito sa kupal na 'to.

"Assuming ka naman, inimbitahan ako ni Apollo dito kaya hindi ikaw ang ipinunta ko dito" nawindang naman ako sa dirediretso niyang sinabi. Ay bhie medyo masakit ha, wala manlang preno?

"Assuming ka pala Ji" pangaasar ni Apollo kaya tinignan ko siya ng masama.

Bakit inimbita niya pa ito? Talagang iniinis ako nito.

"APOLLO!!!" sigaw ko dito na mas lalo niya namang ikinatawa, masaya talaga itong mga 'to kapag naiinis ako.

"Calm down Ji, Kian pakalmahin mo nga" humarap naman itong isa sa akin.

"Do you want us to change our seat?" suhestiyon naman nito ng nakakahalata na siya sa nangyayari.

Sasagot na sana ako kaso may epal nga pala akong katabi. Agad nitong ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Yuwan bitaw!" inaalis ko din ang kamay niya pero mas hinihigpitan niya pa.

"Bakit kayo magpapalit ng pwesto? Boyfriend ka ba?" nangiinis pa ang nitong mokong na 'to.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon