Launching
After Kian's advice to me, medyo naliwanagan ang isip ko at siguro nga dapat na din akong maging masaya para sa sarili ko.
"Ma'am they are all ready for our launching, ang mga bisita nalang ang hinihintay natin" pagpapahiwatig sa akin ni Elle. Tumango lang ako dito.
Kinakabahan ako ngayon, this is not my first time but if you don't feel nervous in your system, kabahan ka na kasi hindi ka na naeexcite aa mga bagay bagay.
"Congrats on your launching Ji!" Pagbati sa akin ng mga kaibigan ko.
"I'm so proud of you, sobrang dami mo ng branch pero hindi mo pa din ako naiisipang kunin na endorser mo" pumose pa siya sa harap ko na agad ko namang ikinatawa.
"Nakuha ka na kasi ng zoo, ayaw ko naman na makipagagawan pa sakanila" kunyari pang nalungkot ako pero napanguso naman siya sa sinabi ko.
Umupo na sila sa katabi ko, habang ako naman ay tumayo muna to greet the other guests. Halos mga bigatin ang mga nandito.
"Congrats Ms.Reamco, i'll get you to design and create my daughter's gown for her debut" one of the guest say.
"Oh i'll look forward to that Ms.Villaca" nginitian ko pa siya.
"Jira! Your so pretty, nakakapagtaka at wala ka pang boyfriend hanggang ngayon" sabi naman ng mama nila Apollo.
"Wala pa po 'yan sa isip ko" natawa naman ako.
"Nako baka tumanda kang dalaga niyan ha," natawa naman din siya sa sinabi niya.
"Gusto mo si Apollo nalang? Sige na pinamimigay na namin 'yan" sabay tingin niya kay Apollo.
"Nako tita hindi na po, may girlfriend po 'yang anak niyo" pambubuking ko dito.
"May girlfriend 'yan?" Nagtataka pa si tita at nilapitan si Apollo kaya naman napatingin ako sakanila.
"Anak anong pinakain mo dun? Grabe nagpagawa ka pa ba ng gayuma?" Pangiinis nito kay Apollo na nagpakunot ng noo niya. Cute ng pamilya na 'to.
My mom can't attend right now, hindi naman na din kailangan kasi sa mga nauna kong launching ay nandun siya. Baka nasawa na 'yun sa mga design ko. Saka matanda na din si mama, nasa ibang bansa siya ngayon dahil sinamahan nila ako ni Apollo doon at hinayaan ko nalang siyang magextend doon.
Nagsimula na ang pagrampa ng mga modelo sa stage na nasa harap namin, at ang mga suot nila ay angmga idinesenyo ko.
"Gusto ko kung gaano kapulido yung mga gawa niya" narinig kong komento nung isang nanonood.
"This young girl build her own name, siguro sobrang proud ngayon ni Mira sakaniya" sabi pa ng iba.
Babae ang mga nauna na magmodelo ng mga gawa ko at ngayon palang ang mga lalaki, masasabi kong magaling akong pumili ng mga modelo dahil nadala nila ng maayos ang mga damit na gawa ko, naisabuhay nito ang mga ito.
Si Kian ang pangalawa sa huli na lalabas at panghuli si Yuwan, nang lumabas na ang mga ito ay halos tumili ang mga kababaihan dito mapabata o matanda man.
"What's his ig account? Ngayon ko lang siya nakita sa model industry" ganyan ang mga halos bulungan, alam kong gagawa talaga ng pangalan itong si Kian sa modeling industry.
Hindi ko tuloy alam kung nung pagdating ba sa mga lalaki ay nakatuon pa din ang pansin nila sa nga damit o sa model na.
"Ji, reto mo nga ako kay Kian" bulong naman ni Kai.
"Di 'yang pumapatol sa epal" sagot pa nitong isang katabi ko.
"Oh hanggang dito lang ang usapan, hindi ka kasali. Kumatok ka kung gusto mo makiepal ha" nanggagalaiting rebat nito.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Novela JuvenilCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...