Her life
I wake up in the morning at inikot ko ang mga mata ko, nakita kong wala ako sa kwarto ko ngunit napagalaman ko naman na nasa guest room ako nila Ley, napanatag ako kasi baka mamaya sumama pala ko dun sa lalaki kagabi, madalas pa naman hindi ko alam anong ginagawa ko.
Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa hilo na nararamdaman ko, "sige alak pa Jira" sabi ko sa sarili ko.
Bumaba ako dahil alam kong nasa baba na sila at ako ang huling nagising, mabuti nalang hindi na nila ako ginising.
"Gising na pala ang mahal na prinsesa" nakapwesto sila sa hapagkainan at halatang ako nalang talaga ang kulang.
"Yes makakain na tayo!" Nabuhayan naman sila.
"Mukha ka talagang pagkain" pangaasar ko kay Ley.
"Parang ikaw hindi ha"
Pagtapos namin makikain sa bahay nila ay nagsiuwian na kami dahil baka daw hinahanap na kami pero sure naman akong hindi ako hinahanap dahil wala naman silang pakialam sakin.
Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si mama na nakaupo sa sofa, akala ko sesermonan nya na naman ako pero buti nalang hindi.
"Buti nakauwi ka na" saad niya at tumango naman ako. Aakyat na sana ko sa taas pero hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako sakaniya.
"Why? Papagalitan mo na naman ako" I asked her.
"No anak," tumigil siya at bumuntong hininga dahil sa sinabi ko. "I just want to invite you to go to the mall, lets shopping" pakiramdam ko ay kibakabahan siya sa pag-aya sakin dahil baka hindi ako pumayag.
"Huh? Are you sure about that?" Gulat kong tanong sakaniya at nakakunot pa ang noo ko dahil bago ata 'to kasi may oras siya sakin.
"Yes" she smiled at me genuinely.
"Wala kang trabaho ngayon?" Nagtataka ko pang tanong sakaniya, gusto ko lang makasigurado.
"Yes, I cancelled all the meetings that I have today" wow himala, hindi sya magtatrabaho para lang makasama ako.
"Okay, i'll just go to my room and take a bath" i smiled at her.
"I'll wait you here" umakyat na ko dahil excited na ko sa lakad namin, masaya ako dahil minsan lang mangyari ito.
Naligo na ko at yun na ata ang pinakamabilis na ligo na nagawa ko dahil ayoko masyadong paghintayin ng matagal si mama, it's our time to bond with each other.
"Ma, i'm done" i smiled at her kasi gusto ko naman ipakita na masaya ako ngayon at excited din ako dito.
"Then let's go" nauna na syang lumabas at pumasok sa kotse at syempre siya ang magdadrive.
Nagsimula niya na itong paandarin at tahimik lang kami dito sa loob at para bang may naglilista ng noisy.
"So where do you want to eat?" She asked while her stare is in the road.
"In my favorite restaurant ma" I excitedly says to her.
"Sure" She smiled at me.
"Why you don't invite papa? Malay mo umuwi siya kapag inaya mo siya" Suhestiyon ko sakaniya pero nakita kong napawi ang ngiti niya.
"He's busy saka kahit ayain natin yun ay hindi siya sasama sa atin." Nahimigan ko sa boses niya kung gaano siya kalungkot, alam kong namimiss niya na si papa.
"Buti at hindi ka masyadong busy ngayon ma?" Pagiiba ko sa topic dahil ang hirap kapag ang topic nyo ay nakakasakit sa magulang mo.
"Oo nga at mabuti din pumayag yung mga kliyente ko na magcancel ako ng meeting" tumingin siya saglit sakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Roman pour AdolescentsCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...