The Meeting
Hindi ako mapakali dahil sa isang araw na ang uwi ni Yuwan. Sobrang kinakabahan ako dahil ang daming pumapasok sa isip ko katulad nalang ng baka hindi niya ko magustuhan.
"Do you want me to meet you at the airport?" Suggest ko naman sakaniya.
"I don't think na magandang idea yan. I don't want you to wait me there, masyadong madaming tao dun." He disagree to what I suggest to him.
"Ano namang mali dun? Sanay naman ako sa matataong lugar" kaya nga nakakapunta akong bar kasi sanay ako sa madaming tao but when I need to interact with them, ibang usapan na yun.
"Basta let's meet sa pinakamalapit sainyo, ako yung gustong makipagkita kaya ako dapat yung magadjust satin."
"Pagod ka naman nun so parang ang unfair, umuwi ka na nga ng Pilipinas tapos magaadjust ka pa para lang makapunta samin"
"Parang ewan 'to, parang hindi ako taga dyan ha" natawa naman ako dahil nasa iisang probinsya lang naman yung tinitirhan namin.
"Dyan nalang tayo magkita para naman safe ka lang" sabi niya pa sakin.
Sumang-ayon nalang ako sa naging usapan namin kahapon dahil hindi naman siya pumapayag na sunduin ko siya sa airport, sayang mafefeel ko na sana yung mga napapanood ko na susunduin nila yung boyfriend nila sa airport tapos kapag nakikita tatakbo sila para yakapin ito.
Napailing at tawa nalang ako sa kabaliwang naiisip ko, masyado na 'kong nagpapadala sa mga teleserye.
"Hoy what should I wear?" I asked them while we are in a video call.
"Tumawag ka lang para bulabugin kami dyan?" Tinaasan naman ako ng kilay ni Ley.
"Hayaan niyo na minsan lang magdalaga yan kaya tulungan na natin"
"Sabagay" tumango pa siya na nagpapakita ng pagsang-ayon.
Si Apollo naman ay tahimik lang na nakikinig dahil usapang babae 'to.
"Ano bang mga napili mong damit? Patingin kami" tanong nila sa akin.
"Oh kaya try mo nalang magpanty at bra para naman unforgettable yung date mo" tinawanan pa ko ng mga gaga.
"Edi sana ginawa mo sayo noon para hindi ka makalimutan ng ex mo tapos balikan ka kapag naalala yun." inirapan ko pa siya.
Agad ko namang kinuha ang mga damit na napagpilian ko, iba't ibang klase 'to at ang iba dito ay hindi ko pa nagagamit. So kung gagamitin ko ngayon ay ang swerte nila kasi sa first date ko sila mabibinyagan.
Hinarap ko sakanila isa isa yung damit, bale lima itong mga pinagpipilian ko. May color white, blue, red, black and pink.
"What do you think with this one?" Pinakita ko sakanila yung color white.
"Pwede" at tumango naman sila.
"This one" the color blue.
At sa wakas natapos na silang mamili, ang napili nila ay yung kulay white dahil bagay daw ito sa awra ko at sabi naman ni Apollo hindi daw maganda kung parang ang sexy ng isusuot ko sa first date namin ni Yuwan. Ayaw din nila nung pink kasi daw mukhang pambata.
"Sa wakas natapos din tauo" naginat pa sila na tila mo ay kasalanan ko pang matagal silang mamili.
"Jira wag ka masyadong excited ha, sa isang araw pa yung date niyo baka isuot mo na agad yan." Itong si Ley namumuro na sakin.
"Ganyan ba kapag hindi binabalikan ng ex, laging nangookray?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Ang ngiti sa labi niya ay biglang napawi.
"Ito naman nagagalit agad" sabi niya pa sakin.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...