Simula

41 0 0
                                    

La Mansion bajo las Estrellas.

Tiningala ko ang mataas na gate na nasa harap kung saan tumigil ang sasakyan.

"The mansion under the stars," I whispered.

Hmm, not bad.

Bumaba ang tingin ko nang bumukas ang gate, at tuluyan nang nakapasok ang kotseng sinasakyan ko, at inikutan na ang fountain papunta sa main door.

"Magandang gabi, Miss Luna. Handa na po ang kwarto niyo sa ika-apat na palapag, katabi ng opisina ninyo, gaya po ng utos niyo at ng mga kapatid ninyo," ani isang babaeng naka creamy white suit and pencil cut skirt, at may scarf na nakatali sa kanyang leeg.

Alas diez na ng gabi nang makalapag kami sa isang building na mayroong helipad malapit dito sa mansion. Sa pagkakaalam ko, pag-aari iyon, o kasama sa property ng mansion'g ito. Isa ata iyong warehouse kung saan ang mga furnitures at iba pang bagay na hindi pa ilalagay rito sa mansion, pero maaaring gamitin kalaunan, ay doon muna. Parang isang stock room, pero napakalaking stock room nga lang.

"Thank you, po, Miss?" bahagya akong nagtaas ng kilay nang magpasalamat, hinihintay na magpakilala siya sa 'kin. Nang matanto ang ibig kong sabihin, naglahad siya ng kamay, at bahagyang yumuko.

"Ah! Mrs. Hermosa, Miss Luna, I'm the current care taker of this mansion while you were still in Manila for college," aniya. Tumango-tango ako.

"Thank you so much, Mrs. Hermosa. Dito na rin ho ba kayo natutulog?" tanong ko nang nagsimula na kaming maglakad papunta sa puti at makintab na dalawang magkahiwalay na hagdan na nakaharap sa isang malawak na tila bulwagan. I could probably house a party here, sa lawak ng bahay na ito.

Tumutunog ang takong ng aking cream stilletos sa dark brown wood floor na makintab at halatang palagian ang paglilinis.

"Yes, Miss," sagot niya. "You're brothers engineered a room for maids, drivers, and maintenance crews here, as you can see on your right."

Lumingon ako sa kanan nang maitapak ang paa sa unang baitang ng hagdan. True enough, there are three white doors on my right.

"That's good to know," wika ko. "Sa laki ng lugar na ito, hindi ko ata kakayanin na ako lang maninirahan dito. Ewan ko ba kina kuya at mansion ang itinayo, para namang ang laki kong tao para dito."

Mrs. Hermosa softly chuckled at my remark. "Kahit po na marami kami rito ay hindi niyo rin naman kami masyadong makikita, Miss, unless ipapatawag niyo kami. Ayon ho sa inyong pamilya, hindi kayo gaanong malapit sa mga kasambahay o ibang tauhan sa inyo, kaya iyon po ang bilin sa 'min."

"Nako, 'wag ho kayo maniwala sa mga kapatid ko," agap ko. "Ako nga po ang pinakamabait sa 'min, sila ang ilap sa mga kasambahay dahil mga lalaki."

Ngumiti lang siya sa 'kin, at tumango na. Iginiya niya ako sa elevator na bungad sa hagdan mula sa bulwagan na sinasabi ko kanina. Mukhang ito na ang gagamitin para makaakyat pa sa ibang kwarto. Kung sa bagay, nakakapagod naman ata masyado kung aakyat ka lagi sa hagdan para lang mapuntahan ang ibang lugar sa mansion. Sa laki ba naman ng lugar na 'to, ewan ko na lang kung 'di pa ma-tone ang legs ko kung hagdan nga lang ang mayroon dito.

"Magbabakasyon lang po ba kayo rito, Miss?" usisa ni Mrs. Hermosa.

Mrs. Hermosa is petite woman. For a care taker, she's very fashionable. Para siyang receptionist dito sa mansion nang salubungin niya ako kanina. Her hair was in a neat french bun, with hair accessories of white pearls. She has doll eyes, a highlighted cheek bones, rosy cheeks, a cute nose, and full lips. I'd guess she's... in her mid thirties? Or early fourties? All in all, she looks young to me. Kung tutuusin, mukha siyang ina rito sa mansion. Mayaman na ina.

"Ah, hindi," ngumiti ako. "Dito na ako titira simula ngayon."

Tumagilid ang ulo niya. "Hmm, talaga? Ang layo po nito sa Maynila. Mabuti ho at pinayagan kayo ng pamilya ninyo?"

"Hmm," tumingin ako sa malabo kong repleksyon sa pinto ng elevator. "Wala rin naman silang choice. Gusto ko na rin talagang lumayo muna. Manila is suffocating me."

"It seems personal," lumingon ako sa kanya, at ngumiti. "Kung ganoon, hindi na ho ako magtatanong."

Ngumiti ako lalo, at tumango. "Salamat. I appreciate that."

My new things are already here and arranged in my room. Ang dala kong isang maleta ay mga komportableng damit lang na galing pa sa bahay na hindi ko kayang iwan.

Nagtungo ako sa isang coffee table na may dalawang upuan malapit sa pintong pinasukan ko, at inilapag roon ang laptop ko. Balak kong tawagan sina Mommy at ibalita ang paglapag ko rito.

I charged it for a while as I changed into my sleeping clothes. Hindi naman mahaba ang byahe dahil nakachopper ako, pero napagod pa rin ako. Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw, pero pakiramdam ko ay drained na drained ako.

"Hija," si Mommy.

"Mommy, I'm already here in the mansion," wika ko. Kita ko sa likod ng aking ina ang mga kapatid kong nakabusangot ang mukha, at si Daddy na seryoso ang itsura.

Kuya El smiled and waved at me. Tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya bago nagsalita.

"The mansion is great, brothers. Kudos talaga sa engineering and designing skills niyo," kumento ko. "But... it's too big for me, Kuyas. Gusto ko lang makahinga, pero sobra-sobrang espasyo naman ata ang iniregalo niyo sa 'kin."

"Okay na 'yan, Baby Luna," si Kuya Shan. "Ayaw mo no'n? Marami kang pwedeng madiskubre diyan kapag nababagot ka."

Umirap na lang ako, at napailing sa kanyang sinabi. "Nakakatakot kaya. Mabuti na nga lang at may mga kasambahay din dito. At least, I'm not totally alone. Besides, I bet the beach would definitely entertain me. Good choice that you placed the mansion in front of a public beach."

"No problem, Luna."

"I hope you'll be fine there, Luna," ani Mommy. "We miss you here."

"Mommy, magiging ayos ako dito," I assured her. "Kaysa naman nariyan ako, pero nakakulong lang sa kwarto dahil lang sa ayaw ko makisalamuha sa ibang tao. Sawa na rin akong magmukmok diyan."

"We know, hija..." Mommy sighed. "It's just that... it's different when you're here. Bunso ka pa naman namin, ikaw pa ang naunang umalis sa mga kuya mo."

Bumuntong hininga na lang ako para pigilan ang sakit ng nararamdaman. I can't really stay in Manila when even in my room, it's him that I'm reminded of. It's exhausting. It's draining my energy that... I'm burnt out. Naaawa lang ako sa pamilya kong nag-aalala para sa 'kin dahil hindi ako lumalabas ng kwarto.

Mabuti na rin narito ako, sa lugar na walang bakas niya, at ng mga ala-ala namin. At least, I could take my time to heal without earning new wounds scars after scars. The unending misery I have my Manila, hopefully, stays in Manila as I look forward to a new, more peaceful, calm, and quiet life here in Batanes.

Galit na galit man sina Mommy na North kung North ang nilipad ko makalayo lang... pero, I guess, it will be worth it? Kaysa naman sa malapit lang ako pumunta, kung saan madali lang akong maaabot ng pilit kong tinatakasan.

Alam ko naman na dapat kong harapin, at hindi takbuhan ang mga problema. But, I'm taking a time-out for a while. I want to give myself time, and not hurry just to be okay. Wala naman akong hinahabol. At ngayon, malaya kong mapipili, at pipiliin ang sarili ko.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon