PROLOGUE

3.5K 56 13
                                    

"Tobi ano ba?! Pwede ba kahit ngayon lang??!" I yelled at my gay bestfriend as he tried to pull a glass of vodka from my hand.

Tiningnan niya lang ako gamit ang ekspresyon na bilang lang niya ginawa since we became friends. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya kapag ganoon ang mga matang ibinabaling niya sakin. Isa lang ang sigurado ako. Alam kong sobrang pag-aalala ang nararamdaman niya for me. Dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaganito.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito...

"I... badly need this... please..." I said, almost pleading.

I saw his eyes caught on something or maybe on someone kaya nawala ang mga tingin niya sakin. And so I had the chance to drink dahil kanina ko pa gustong tunggain 'to.

Ibinagsak ko sa bar counter ang hawak kong baso pagkatapos kong inumin ang laman nun.

I heard Tobi sighed deeply. Pero hindi ko siya pinansin at sumenyas pa sa bartender for another glass.

Bakit ganon? Hindi ko malasahan yung nakasanayan kong pait sa alak na 'to ngayon. Sobrang init lang ang nararamdaman ko na dumadaloy pababa sa lalamunan ko.

"I'll be back right away Viah. Wag na wag kang magbalak na umalis sa pwestong yan kung ayaw mong majombag kita mamaya. Wag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo kong bakla ka nakooo! Naiintindihan mo ba, Viah Isela Trianes??" may pagka-iritang sabi niya sabay nagmamadaling umalis sa harap ko nang marealize niya na wala akong balak na sagutin siya.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag-inom. Much better. Walang istorbo.

Bigla akong napayuko at napahawak sa dibdib nang mag flash na naman sa utak ko ang nangyari at mga nakita ko. Kumunot ang noo ko at mariing pumikit. I also bit my lower lip to stop myself from crying again.

Ayoko nang umiyak...

parang unti-unti akong nauubos... nanghihina... namamatay.

Medyo madami na rin akong nainom pero bakit ganun?

Akala ko ba nakakalimot ang isang tao kapag umiinom??

Hindi ba yun exclusive for me?? Kahit sandali lang??

Why?!

Umalis na 'ko sa pagkakaupo ko sa bar stool at naglagay ng cash sa counter. I didn't bother to check the amount na hinugot ko lang from my pouch. I don't care if I gave too much. Just wanna get outta here. Nairita 'ko bigla sa paligid.

May umalalay sakin nang muntik na 'kong matumba.

Agad kong tiningnan nang matalim ang lalaking nakapulupot na ngayon ang kamay sa bewang ko.

He gave me his sweetest smile but sorry, I can see everything behind that.

"You're drunk lady. If you want, I'll escort you and drive you home." the jerk said.

"Really?" I asked then gave him a smile too.

Pansin ko ang pag-aliwalas ng mukha niya. Tss.

"Bullsht." sabi ko sabay biglang seryoso ng mukha.

I rolled my eyes on him and was about to walkout when he grabbed  my arm kaya agad akong napaharap sakanya.

Lalong uminit ang ulo ko kaya bago pa siya makapagsalita, buong lakas ko nang inapakan ang paa niya.

"Oh fck!!!" daing niya sabay hawak sa basura niyang paa habang patalon talon.

For me, isa yan sa mga silbi ng pagsusuot ng heels.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon