CHAPTER 35

686 30 20
                                    


Terry (Samantha Therisse):

Terry (Samantha Therisse):

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




VIAH's POV

"T-Terry?" naguguluhang sambit ko habang nakatingin sakanya, pagkatapos ay kay Elise.

"S-Sam?" Elise mumbled at halos sabay lang kami sa pagsasalita.

Naguluhan naman ako dahil magkaiba ang pangalan na binanggit namin. Yun kasi ang pakilala samin kanina sakanya ni Gab, Kuya Zell's girl.

Terry is crying nonstop. Without any sound, just tears running down her cheeks.

Ibang-iba sa nakita naming behavior niya around all of us kanina. Palatawa, palabiro, at kaya din lumandi.

Wait. D-Don't tell me...

"A-A-Anong g-ginagawa m-mo dito...?" utal na sabi ni Elise. Bahagya pa itong napaatras.

"Tell me Elise... were you happy knowing that I was left behind? I tried hard to be happy for you dahil sabi mo tutuloy ka sa New York para makapagsimula ng bagong buhay!" Terry shouted.

"Hoy! Malanding Terry! Why did you lie na half brother mo si Sam Milby ha?! Porket may Sam ka din at Milby ang apelyido mong bruha ka! Humanda ka sakin dahil pinaasa mo 'kong ipapakilala mo 'ko sakan--- ohh..."

Bwiset na Tobi 'to. Kanina ko pa sinisenyasan na isarado 'yang bibig niya pero walang pakialam.

Nang medyo makalapit siya ay hinablot ko kaagad ang braso niya para matahimik na.

Kumalma lang siya nang makita ang tension sa pagitan nitong dalawa na parang walang narinig mula kay Tobi.

"W-What's happening Viah gurl? Nagsapakan ba sila?? Bakit di mo 'ko tinawag para makabawi naman ako sa Terry na yan at---mmmpp." pabulong niyang sabi at agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Try ko kayang punuin muna ng buhangin ang bibig nito? Tss.


"S-Sam... I...I..." Elise can't utter more words.

Pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak. Agad din niyang pinupunas kapag may tumutulong luha mula sa mga mata niya.

Napansin kong sa 'di kalayuan ay patakbong lumalapit dito sa pwesto namin si Zenice kasama si Kuya Kael. Mukhang nakita niyang umiiyak si Elise.

Napakagat nalang ako ng labi dahil mukhang madami na ang makakakita sa eksenang 'to.

Mabuti nalang at nasa may malayong gilid na parte na kami ng isla kung saan hindi gaanong mapapansin ang nangyayari dito.

Natatanaw mula rito sa pwesto namin na abala naman ang mga tao doon. Tito David might be starting their free check-up. Nakita ko din kanina na nauna yung dental check-up na ginawa ni Terry sa mga bata. Good thing there are only few. But I think Gab and her were still going to give vitamins and kits.


FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon