CHAPTER 27

577 29 5
                                    


ELA's POV

"W-Who's that Mom?" rinig kong tanong ng nasa kabilang linya.

Si Vanessa.

"It's... Zenice. It's Zenice, anak. She's a-alive..." rinig ko namang sagot ni Tita Alma sakanya na alam kong umiiyak ngayon.

Ngayon palang ay hindi ko na mapigilang hindi maiyak, simula pa nang marinig kong magsalita si Vanessa.

Laking pasalamat ko na buhay pa siya. Kahit... halatang nanghihina ang mga boses nito.

"H-Hello?" sabi ko nang wala na akong narinig na nagsalita ulit sa kabilang linya. Tanging mga paghikbi na lang.

"Z-Zenice?? I-Is that... really you?" tanong niya bago magpakawala ng malalim na paghinga.

"Hmm... Ako nga. K-Kamusta ka na?" tanong ko habang nagpipigil na umiyak.

Rinig ko ang maluwag niyang paghinga.

"I---I'm s-sorry Zenice...I'm sorry..." mahina niyang sabi.

Ramdam ko ang pagpigil nito sa mga kumakawalang paghikbi niya.

"Shhh... Wag ka nang umiyak... P-Please?" pakiusap ko. Alam kong nahihirapan siya.

Lumuwag ang paghinga niya kasabay ang mahinang pagtawa.

"Yeah..." sagot niya.

"Vanessa..."

"H-Hmm??"

Huminga ako nang malalim.

"Balik ka dito sa Pilipinas ha? A-At sana... magaling ka na pag-uwi m-mo..." sabi ko.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin pero rinig ko ang malalalim niyang paghinga.

"Hmm... I'll come back. I promise." sagot niya at alam kong nakangiti siya ngayon.

Napangiti din ako sa naging sagot niya kasabay ng luhang bumagsak mula sa mga mata ko.

Napanatag ang loob ko at masaya ako sa sagot niya.

"But..." natigil naman ako nang bigla siyang magsalita ulit.

Hinintay ko nalang ang susunod niyang sasabihin.

"... will you finally accept me then?"

Napaawang nalang ang bibig ko at hindi nakasagot.

Ano bang... dapat kong sabihin?

Unti-unting lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba pero ayokong ipahalata sakanya.

"Hahahaha. I'm just kidding Zenice. I know you too well. I know that she can't be replaced by anyone."

Nakahinga naman ako ng maluwag at bahagyang natawa.

"I... know it from the start..." dagdag niya.

Ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya pero alam kong tanggap niya iyon.

"Uhm... Ang totoo niyan... nawala ang mga alaala ko d-dahil sa insidente... Bumabalik naman na paunti-unti p-pero... h-hindi ko pa talaga maalala si... V-Viah..." sabi ko.

Nagkaroon ulit ng mahabang katahimikan.

"I-I'm sorry..." sagot nito.

"Vanessa---"

"Yeah, yeah. But I'm still sorry, okay?" sabi niya kaya hindi nalang ako umimik pa.

"And.. I think you hit your head really hard, huh?" tanong niya at bakas na ang mga ngisi nito kaya napangiti ako.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon