CHAPTER 4

835 37 8
                                    


Presenting, ang reyna ng kapokpokan:

                ---------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------



TOBI's POV




"Viah giiiiirl! Walanghiya kang babae ka. Pinaghanap mo pa talaga 'ko! Pagkatapos mo 'kong bantaan na masasaktan ako pag nagtagal ako sa boutique? Tapos ikaw ngayon ang biglang nawala? Ikaw kaya saktan ko dyan?!" sabi ko sakanya at hinarap siya habang hinahabol ang hininga ko.

Sabi kanina sa bookstore, bigla nalang daw siya umalis nang walang sinasabi kung saan siya pupunta.

I called her but she's not answering.

Buti nalang nakita ko siya agad dahil sa nangingibabaw na kulay ng hair niya. Pft.

Pero in fairness, kahit anong kulay ng hair nito eh feeling ko paganda pa rin siya nang paganda. Walang kupas ang isang 'to. Pero syempre. Kanino pa ba magmamana?

Queen Tobi everyone! Hahahahahaha!

Nawala ang maganda kong iniisip nang makita ko ang expression niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Tulala. Parang nanghihina at--- nanginginig.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.

"Viah? Viah! Are you okay?? What happened??" sabi ko na may halong pag-aalala.

"Z-Zenice... I-It's Z-Zenice..." wala sa sarili niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko at mas lalong nag-alala sa kinikilos at sinasabi niya.

"V-Viah... What's wrong?" I asked worriedly. Pilit ko din siyang iniharap kaya napatingin siya sa mga mata ko... finally.

"Tobi... It's Zenice... I saw her Tobi... Zenice... It's her!" sabi niya habang nakangiti, parang hindi makapaniwala, pero punong-puno ng tuwa. Kitang-kita ko din ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi niya.

"B-But..." yan nalang ang nasabi ko. Dahil ayokong sabihin sa mismong harapan niya na wala na nga si Zenice.

Sa loob ng tatlong taon, hindi tumigil si Viah sa paghahanap kay Zenice.

Kahit ang pamilya nito ay sumuko na matapos ang mahigit isang taon mula nang mawala siya.

Sabi ng pamilya Oliver, kailangan na nilang tanggapin ang nangyari, kahit sobrang sakit para sakanila. Dahil habang tumatagal ay mas lalo lang silang sinasampal ng masakit na katotohanan.

At sa pagkakataong yun, mas lalong na-depress ang kaibigan ko.

Pero hindi siya tumigil. Hindi na din siya nakahingi ng tulong sa authorities dahil sumuko na din sila kaya siya mismo ang naghire ng mga tao. Sobrang daming isla na din ang pinuntahan niya, nagbabakasakaling napadpad si Zenice sa isa sa mga yun. Pero wala. Wala siyang nakuhang magandang resulta.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon