CHAPTER 33

593 25 6
                                    


ZENICE' POV

Mabilis kaming nakarating sa Isla Aparo.

Nakakapanibago nga dahil wala pang isang oras ay nandito na kami. Hindi tulad kapag gamit namin ay isang simpleng bangka lang. Magdadalawang oras at minsan ay higit pa.

Kanina pa 'ko nakatanaw sa mga ka-isla ko.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sakanila.

Isang linggo din akong hindi nakabalik dito.

Siguradong mabibigla din sila sa pagbisita naming ito.

Ipapaliwanag ko nalang sakanila.

Kitang kita din na mukhang natitipon ang mga tao sa isla at inaabangan kaming paparating.

Hindi siguro nila inaasahan na may dadalaw sakanila dahil ngayon lang ito mangyayari na medyo madaming tao ang bibisita sa isla. Nang tumigil ang sinasakyan namin ay nagmadali ako para salubungin sila.

"Sinabi ko na sainyo at si Isela nga iyon!" rinig kong sabi ng isa sakanila.

"'Nay!!!"

Agad ko din naman natanaw ang kinaroroonan nila nanay kaya dumiretso ako doon.

"Anak!"

Mahigpit akong yumakap sakanya at ganun din ang ginawa niya.

"Mabuti naman at nakarating kayo." sambit niya.

Kumalas ako sa yakap namin at tiningnan siya.

"Alam niyo 'nay na darating kami? Pano---"

"Elaaaaaaaaa!"

Napatingin kami kay Kuya Kael na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.

Natanaw ko din si Elise na nakatanaw sakanya.

Natawa nalang ako sa itsura nni Kuya Kael. Ang sarap balibagin. Hahahahaha.

"Kumusta ka na--- Wow naman. Nagmukhang tao ka ngayon ah." komento niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Hinampas ko naman siya sa braso saka tumawa. Napalakas ko ata eh.

"Ela!" tawag din sakin ni Elise nang makarating siya sa pwesto namin.

Niyakap din niya 'ko kaya yun din ang ginawa ko pabalik.

"Kumusta ang mga estudyante mo? Namiss mo lang ata ako kasi wala kang katulong sa pagsuway sakanila eh." sabi ko habang natatawa.

"Hindi ah... Pero miss na miss ka na din ng mga bata. Lagi nga nilang tinatanong sakin kung kelan ka babalik dito eh. At siya nga pala. Tinutulungan naman ako ni Tanya. Siya ang pumalit sayo kaso nga lang... mas umiingay ata ang mga bata dahil napakadaldal din ng isang yun." sabi ni Elise na ikinatawa naman namin.

"Siya nga pala Nanay..." humarap ulit ako sakanya.

"P-Pasensiya na po kung hindi ko po kayo nasabihan na kasama kong bibisita sila Papa ngayon. Sana po wag niyo na pong alalahanin kung nagdala man sila ng kung ano-anong bagay. Gusto lang po nilang bumawi sainyo at magpasalamat..." sabi ko sakanya.

"Wag mo nang isipin iyon anak. Naiintindihan ko. Malugod naming tatanggapin ang pasasalamat nila kung iyon ang ikasasaya ninyo." Nakangiting sabi ni nanay. Napangiti din ako nang malawak.

"Salamat 'nay... Pero nako. Kung alam niyo lang. Nahirapan nga akong pakiusapan si Papa dahil halos ubusin na niya ang mga bilihin sa mga pamilihan. Mabuti nalang at nakumbinsi ko siya na ang dalhin lang ay iyong sa tingin kong pinaka-kailangan ninyo at ng mga tao dito sa isla. Dahil alam ko namang simple lang dito at hindi niyo kailangan nang masyadong madaming materyal na bagay. Kaya nga ang saya dito eh." nakangiting sabi ko sakanya.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon