CHAPTER 22

593 33 9
                                    


ELA's POV

Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin.

Sa halip ay binago ko nalang ang usapan.

"Hindi ka ba... nagalit sa p-pamilya ko?" nag-aalangang tanong ko.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sakanya.

Pero ayoko namang balingan ulit siya ng tingin.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw niya.

Umayos ito ng upo kaya hindi na siya nakaharap sakin.

Nakarinig lang ako ng buntong hininga.

"I guess, you came here because you want answers." sabi nito.

Saglit ko siyang tiningnan.

"H-Hindi ah. K-Kukumustahin din naman talaga kita--- huy san ka pupunta??" tanong ko nang bigla siyang tumayo at naglakad palayo sakin.

"In my room." maikling sagot niya.

"Ha? A-Akala ko ba m-manonood ka?" tanong ko.

"Inaantok na 'ko."

"Ha?? P-Pero may tanong pa 'ko!"

"Then follow me."

"Pero---"

Hindi na niya 'ko pinatapos at malakas na pagsara nalang ng pinto ang narinig ko.

Seryoso?? Nagtatampo ba siya??

Ha!

Napaawang nalang ako ng bibig dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa ikinikilos niya.

Para siyang bata!

VIAH's POV

Dumiretso agad ako sa bathroom para magtootbrush saka maghilamos.

Kinabahan ako nang magsimula siyang magtanong.

Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang ako ang dahilan ng pag-alis niya noon?

Na ako ang dahilan kung bakit humantong ang lahat sa ganito?

All because of my foolishness and immaturity? What if she'd be too disappointed if she found out that I didn't trust her back then?

Papaniwalaan pa kaya niya ako?

Pagkalabas ko ng bathroom ay sakto namang pumasok si Zenice sa room ko.

I just gave her a blank expression.

"I'll get you some clothes. And you can take a shower if you want. You can use everything you need in the bathroom." sabi ko saka dumiretso sa closet para kumuha ng damit niya.

Kinuha ko yung damit pantulog ko na halos hindi ko naman nagagamit. Hindi ako mahilig magpajama. Usually I sleep with just my undergarments or sometimes naked.

It's comfortable. You should try it.

Kumuha rin ako ng undergarments na hindi ko pa nagagamit para ipahiram sakanya.

Pagkalabas ko ng walk-in closet ay naabutan ko siyang ibinabalik yung mga gamit na hinulog ko kanina mula sa desk.

I stopped myself from smiling because of her reaction right now.

She awkwardly stood up pagkatapos niya.

I gave her the clothes I brought.

"S-Salamat." sabi niya.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon