CHAPTER 30

576 27 2
                                    


VIAH's POV

"Ey Viah gurl! Nakikinig ka ba?!"

I glared at Tobi who battered my poor arm.

Oo. Battered talaga. Feeling ko makakalas ang braso ko sa hampas ng bwiset na 'to.

"Do you want to die now Quen Tobias?!" I hissed.

"Ikaw kaya sa posisyon ko ngayon ha?! Kanina pa 'ko dada nang dada, hindi ka man lang diyan namamansin?? Ni 'hmm', 'uhm', 'ahh', wala man lang! Dati sinasagot mo man lang ako ng mga ganon kaya alam kong may napapakinggan ka at least. Pero ngayon ano??"

The heck! Parang ungol ang mga sinabi niyang litanya ko raw madalas.

Urgh! Ang sagwa pakinggan kapag galing sa bibig niya!

Mabibingi ata ako sa reklamo ng baklitang 'to.

Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka matagal ko nang nilagyan ng bomba ang bibig niyan. Naku!

Inirapan ko lang siya at inis na ipinukol ang tingin sa ibang direksiyon.

Nag-aya ako sakanya ngayon mag-bar.

Ayaw niya pumayag pero dahil mas maganda 'ko sakanya, nanalo ako sa diskusyon.

Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting with a celebrity model kaya gigil na gigil sakin ang gaga.

Sinundo niya 'ko sa office at pinilit niya 'kong dito sa car niya sumakay dahil kung hindi, hindi daw siya sasama. May driver pa siya ngayon kaya masyado siyang malaya dumaldal.

Wala pa naman ako sa mood.

"Viah! Can't you wait for me?? Atat lang mag-bar??" reklamo niya habang hinahabol ako.

Kasalanan ko bang pabebe siya masyado?

Tss.

"Anong klaseng problema ng mundo na naman ba ang pasan mo?" tanong nito pero wala akong balak sumagot. Gusto ko lang uminom ngayon to dismiss some bullsht thoughts out of my mind.

"Sa company niyo ba?" he asked again but I didn't respond.

"Alam ko na. Nag-away na naman kayo ni Vico!"

"Ay hindi? Hm... Ah! May nakasagutan ka na naman sa board meeting 'no??"

I rolled my eyes without glancing at him.

Tuloy lang ako papunta sa entrance ng bar.

"Okay. Then, it's about Zenice."

Hindi tanong ang pagkarinig ko. It's a statement na parang sigurado siya na yun nga.

I halt for a second but I immediately got back to my senses and continued walking.

Hindi na rin naman ako nakarinig ng ingay mula sa nasa likuran ko hanggang sa makarating kami sa loob.

Napuno kaagad ng ingay ang tenga ko.

Pero hindi ko yun inalintana dahil diretso ako papunta sa bar counter.

"Whiskey, please. Give me a bottle." walang gana kong sabi bago umupo sa isa sa mga bar stool.

Agad ko yung nilantakan pakalatag palang sa harap ko.

Ramdam ko lang ang mga titig sakin ngayon ng katabi kong si Tobi.

Alam na niyang ayokong magpa-istorbo sa ganitong pagkakataon.

"Hi---"

"Back off." putol ko agad sa lalaking lumapit sakin.

I didn't even bother to look.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon