CHAPTER 16

537 27 2
                                    


ELA's POV

Kami lang ni Tatay Anton ang nandito ngayon sa bahay.

Maagang nangisda si Kuya Kael.

Binilinan naman ni Aling Pasing na pumunta si Nanay sakanila. Malapit na kasi ang kaarawan ni Aling Pasing kaya may salo-salo atang magaganap. Magkasundong-magkasundo ang dalawang iyon kaya gusto ata niyang ibahagi kay Nanay ang mga ideya niya sa darating nitong kaarawan.

Mahilig din kasing magsaya ang mga ka-isla namin kapag may mga ganoong pagdiriwang. At dahil hindi naman kami gaanong marami ay sama-sama kaming nagsasalo. Kaya masasabi kong may malalim na samahan at pagkakaibigan ang mga taga Isla Aparo.

Araw ng Miyerkules kaya may pasok si Elise ngayon. Minsan nalang ako nakakasama sa klase nila dahil kinailangan ko din ng oras para sa sarili ko.

Kakatapos ko lang pakainin si Tatay Anton kaya maya-maya lang ay nakatulog naman siya.

Lalabas sana ako para magpahangin nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa may bakod namin kaya napatigil ako.

Si Viah.

Ngumiti siya sakin.

Pero may kakaiba sa mga ngiting 'yon.

May lungkot.

At... mukha siyang pagod.

Nakatingin lang ako sakanya.

Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang lumapit sakin.

Akala ko ay may sasabihin siya kapag kaharap ko na siya pero bigla nalang niya 'kong niyakap.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya 'ko.

"Let me hug you for awhile Zenice. Hayaan mo muna 'ko. Kahit ngayon lang." mahina niyang sabi, sapat lang para marinig ko.

Ano kayang nangyari?

Tatlong minuto ata kami sa ganoong posisyon bago ulit siya magsalita.

"Bakit ba sobra kitang minahal?" biglang tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi nito pero pinili kong pakinggan muna siya.

"Na kahit magmukha akong tanga at baliw sa paningin ng iba, tinitiis ko, kahit sobrang sakit na..."

Ramdam ko ang bigat ng loob niya.

"Okay lang sana kung ibang tao eh. But... it was my family... and yours."

Rinig ko ang pagsinghot nito.

Umiiyak ba siya?

"Ano nang gagawin ko Zenice? Hindi ko na alam..." sabi pa niya saka mas humigpit ang yakap sakin.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at niyakap siya pabalik.

"S-Sorry..."

Yun nalang ang nasabi ko.

Maya-maya pa ay siya na ang kumawala sa pagkakayakap.

Humarap siya sakin na nakangiti.

At gusto kong paluin ang sarili kong mga kamay dahil kusa itong gumalaw para punasan ang mga luha sa pisngi niya.

Anong ginagawa mo Isela?!

Agad kong binawi ang mga kamay ko nang matauhan ako saka napaiwas nalang ng tingin sakanya.

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napatingin ulit ako sakanya.

Lihim nalang akong napangiti dahil mukha namang gumaan na ang loob niya.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon