CHAPTER 1

1.8K 52 3
                                    




TOBI's POV


Nandito ako ngayon sa tabi ng babaitang hindi ko alam kung pano ko naging kaibigan.

Dahil simula nang makilala ko 'to, mas lalong naging nakakaloka ang lokaret kong buhay.

Pero noon pa man, baby sister na ang turingan namin sa isa't isa kahit na minsan eh nasasapawan na niya ang katarayan ng lola niyo.

Sobra na din ang stress ko. Yung feeling na nasa pagitan ako ng problema nilang dalawa ni baby girl Zenice.

Naaksidente pa siya matapos niyang magpaharurot ng sasakyan niya paalis sa bar ilang araw na ang nakakalipas.

Tulala lang na nakatingin sakanya ang eyes kong malaki na din ang eyebags.

Hindi pa nga ako nagkaka-lovelife pero mamamatay na ata ako sa pag-aalala.

Nagising ang pretty kong diwa nang gumalaw siya.

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niyang nakapikit pa hanggang ngayon.

Parang hindi ko kinakaya ang mga nakikita kong nangyayari sakanya...

Pano pa ngayon??

Pano ko sasabihin ang nangyari kay Zenice habang wala siyang malay at nakahilata sa hospital bed na 'to??

Tuwa at kaba ang naramdaman ko nang unti-unti niyang imulat ang mga mata niya...

Na puno ng kung ano-anong emosyon.

She casted a glance at me but immediately wandered her eyes around as if she was expecting a particular person beside her.

"Z-Zenice... w-where is she Tobi? Is she mad at me--- W-what happened?? What's this?!" gulat niyang tanong nang mapansin ang swerong nakakabit sa kamay niya.

"Viah calm down!" sabi ko habang pilit niyang tinatanggal ang nakakabit sa kamay niya.

"No! I need to talk to my Zenice! I need her now! So remove this shts from me!!" she shouted while crying.

"Viah! Stop! Please... stop... shhhh... Calm down. Okay?"

Buti nalang at dumating si Kuya Vico. Mahigpit niyang niyakap si Viah na ngayon ay humahagulgol.

Dahan-dahan nalang akong napaupo sa may paanan ni Viah at napayuko.

Maya-maya pa ay kumawala si Viah sa pagkakayakap ni Kuya Vico.

She's not that close with her brother kaya thankful ako na kumalma kahit papano si Viah sakanya. She's not even calling him kuya.

"I need to get out of here Vico. Look. I'm totally fine. I just need to talk about something with Zenice okay? I promise I'll be back. Just give me... two hours---no... kahit one hour lang. Hm?" pakiusap ni Viah sa kapatid niya na ngayon ay matamang tinitingnan lang siya sa mga mata.

Hindi ko maiwasang mapaluha. Yumuko nalang ako at patagong pinupunas ang mga luha sa pisngi ko.

Should we tell her now?

I just bit my lower lip with the thought.

"T-Tobi... Why are you c-crying? I said I-I'm fine..."

Napaangat ang ulo ko sa pagsasalita niya.

Palipat lipat na ang tingin niya samin ngayon ni Kuya Vico.

"Viah... alam kong gustong-gusto mo nang umalis dito pero magpagaling ka muna okay? You should recover first. Hindi pa magaling 'yang sugat mo sa ulo dahil sa aksidente." Kuya Vico said.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon