CHAPTER 18

546 31 8
                                    


TOBI's POV

Ngayon nalang ulit ata ako nag-drive na parang biyaheng langit.

Mygosh! Yung puso ko parang nagpupumilit lumabas sa malulusog kong dibdib!

I'm on my way now to the police station.

Something happened to Viah girl and I am now ready to slap, kick, or even punch that bastard who tried to... to....

Aish! I can't even say it because I feel like exploding!

"Viah?? Viah!" I called her right after I opened the glass door of the station.

Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng isang detective. Maybe for her statement.

Nang makita ko naman ang isang lalaking nakaupo din na malapit sakanya ay kusang bumilis ang lakad ko papunta doon. Walang duda na siya nga ang nagtangka kay Viah dahil nakaposas ito at may isang pulis din na nakabantay sa may likuran niya.

"How dare you!" sigaw ko sakanya habang sinusugod siya pero agad din naman akong napigilan nung pulis.

"Huminahon po kayo." sabi niya.

Isa pa 'tong bwiset eh!

"Bitawan mo 'ko! Hindi ba pwede kahit isang tadyak lang ha?? Ang kapal kapal ng mukha niyan para---"

"Tobi stop." Rinig kong sabi ni Viah. Sobrang seryoso ng tono niya.

I looked at her at mas lalong uminit ang ulo ko when I saw a small wound at the side of her lips. Kita kong dumudugo-dugo pa yun.

I greeted my teeth as I turned to that bastard again as I quickly kicked him.

Pero shet lang. Napigilan na naman ako ng bwiset na pulis na 'to. One inch nalang eh. Maaabot na ng paa ko eh. Bwiset talaga!

"Ano ba!" sigaw ko habang nagpupumiglas pa rin.

"Tobi, I said stop!"

Parang umalingawngaw sa buong building ang sigaw ni Viah kaya napatingin ang lahat sakanya. Biglang tumahimik ang paligid.

Pero prente lang siyang nakaupo habang nakapikit at nakahalukipkip.

Okay. She's really serious.

"Tss!" sabi ko nalang saka ko hinigit ang mga braso ko na hawak ng bwiset na pulis na 'to.

I just crossed my arms then glared at that jerk.

Nakikinig lang ako sa mga tanong kay Viah at sa statement niya.

Habang kinukwento niya ang lahat ay mas lalo akong binabalot ng inis.

Nagagawa ko lang kumalma dahil okay si Viah. Buti nalang talaga at walang nangyari sakanyang mas malala.

Based on her, niloko daw siya ng lalaking 'to na nagpakilala na may-ari nung bangkang sinakyan nila. At nang medyo nakalayo na raw sila ay itinigil nung lalaki yung bangka sa isang nadaanan nilang maliit na isla kung saan walang ibang tao, dahil parang may sira daw yung bangka niya at kunwaring iche-check niya.

At doon na niya pinagtangkaan si Viah. Aba't ang kapal ah. Sa isang Trianes niya pa talaga naisipang magbalak ng masama?

According to Viah, that man threatened her with a knife. Balisong exactly. Pinakita pa samin nung detective.

He tried to rape our dear Viah then steal from her after.

Viah acted as if she was scared and even let him slap her face. At doon na niya ginawa yung self defense. Nagawa din niyang talian ng lubid yung paa nung lalaki at tinutukan niya ng knife na gamit nung guy. Saka niya pinasunod na ibalik yung bangka.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon