CHAPTER 29

573 28 2
                                    


ZENICE' POV

(Zenice na ang ilalagay ko sa POVs niya hehehe)

"Ahn! Viah's on the phone." sabi ni Kuya Zell habang inaabot sakin ang telepono sa bahay.

Bigla naman akong kinabahan.

Hiindi ko pa rin ata siya kayang harapin.

Hindi ko na alam. Naguguluhan pa rin ako sa mga bagay-bagay.

Sa ngayon ay ang tunay kong pamilya muna ang kaya kong tanggapin.

"Good morning. How are you there?" tanong ni Viah na bakas ang sigla sa boses.

"G-Good morning... Uhm... Maayos lang naman ako dito." sagot ko.

Ramdam ko ang pagkailang sa pag-uusap naming dalawa.

"Hmm... That's good. So...uhm... do you have time later? Let's eat lunch together? I'll pick you---"

"Ah k-kasi... h-hindi ako pwede mamaya." putol ko sa sinasabi niya.

Wala akong narinig mula sa kabilang linya kaya nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

"A-Ah... I see. T-Then..."

"Uhm... Sige. Baka ma-late ka na sa trabaho mo. I-Ingat." sabi ko nalang.

"R-Right. Bye then... M-Mag-iingat ka din.."

Alam ko kong nakangiti siya habang sinasabi 'yon sakin.

Pero hindi ko alam kung pilit na ngiti 'yon o hindi.

"S-Sige. B-Bye..." paalam ko naman.

"Zenice are you done??" rinig kong tawag sakin ni Ate Sienn sa may pintuan. Nasa garahe ako sa may tabi ng sasakyan. Inaayos namin ang mga gamit na kakailanganin para daw sa camping namin.

"N-Nalagay ko na Ate Sienn sa sasakyan yung mga kailangan natin." sabi ko.

Siya naman ay papalapit sa pwesto ko.

Nakabihis na kaming lahat.

Aalis nalang kami pero may kinukuha pa ata sila Papa at iba kong kapatid doon sa loob ng bahay.

"Si Viah ba tumawag? Hindi daw ba siya sasama?" tanong pa niya habang chini-check ang loob ng van.

"A-Akala ko po tayo-tayo lang na m-magkakapatid tsaka si P-Papa..." tanong ko.

Nilingon naman ako ni Ate Sienn.

"Zenice... Hindi na iba satin si Viah. She had done so much for our family. And besides, ang Kuya Ace mo nga kasama eh." sabi niya habang nakangiti.

Hindi kaagad ako nakasagot.

"Pero magiging parte na rin po naman siya ng pamilya natin. Ikakasal na kayo Ate Sienn... T-Tsaka... H-Hayaan na po muna natin s-si Viah... B-Busy din po yun sigurado..." mahinang sabi ko saka umiwas ng tingin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko ang mga ito.

Hindi sumagot si Ate Sienn. Ngumiti lang siya sakin na may halong pag-aalala saka niya 'ko tinapik sa balikat.

Parang kumirot ang dibdib ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Napatingin siya sa kamay ko at marahan niyang kinuha sakin ang teleponong hawak ko bago siya naglakad ulit papasok sa bahay.

Pumasok nalang ako sa sasakyan at doon naghintay sakanila.

CLARA'S POV

We're already on our way up to a hill.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon