Elise and Kael:
ELA's POV
"Ela ano ba yan! Hanapin mo yung dulo! Bakit nagkabuhol-buhol na yan sa kamay mo??" sigaw sakin ni Kuya Kael.
Tinutulungan ko siyang isampay yung lambat.
"Eh kasi!" reklamo ko habang pilit tinatanggal yung kamay ko na parang tinalian na.
"Hahahaha! Ano ba Isela. Hanggang ngayon hindi ka pa rin ba natututo niyan?" patawa-tawang lumapit si Elise samin.
Ngumuso lang ako saka siya sinamaan ng tingin.
"Ikaw na ngang tumulong dito Elise. Magsisibak pa 'ko ng kahoy. Baka si nanay na naman ang nangunguha ng panggatong doon." sabi ni Kuya Kael pagkatapos ay umalis na rin.
Araw ng sabado ngayon kaya walang pasok si Elise at ang mga bata.
Tanaw na tanaw ko ang pang-araw araw na gawain ng mga tao dito sa isla. Naglalarong mga bata, ang ibang kababaihan ay nagbibilad ng isda, ang mga kalalakihan ay nag-aayos ng kanilang bangka pati na ang mga isdang nahuli nila, at ang iba ay abala ata sa kani-kanilang bahay.
Pagkatapos namin ni Elise ay pumunta na kami sa bahay. Magsasaing na rin ako maya-maya.
May sarili namang tinutuluyan si Elise dito sa isla pero halos dito siya palagi sa bahay namin dahil mag-isa lang yan doon, maliban nalang kapag may mga hinahanda siya para sa klase niya.
-----
"Ate Isela! Ate Isela! May naghahanap po sainyo! Bilis!" tawag sakin ng batang si Karl habang patakbong lumalapit dito sa bahay namin.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Pati si Elise na kinakausap si Tatay Anton na hindi na nakakapaglakad at nakakapagsalita.
Narinig din ata ni Kuya Kael kaya ibinaba muna niya ang mga kahoy na dala niya.
"Sino daw ba yun bata?" Tanong ni Kuya Kael.
"Basta hindi po tagadito satin! Ang ganda nga po eh!" sabi pa ni Karl na mukhang tuwang-tuwa pa.
Pumwesto ako sa may bakod namin kung saan tanaw ang tabing-dagat.
May nakita akong hindi pamilyar na bangka. Mukhang hindi pag-aari ng kung sino mang tagadito samin.
Natipon din ang mga tao doon at papalapit na din ang iba kaya hindi ko makita kung sino ang tinutukoy ni Karl na naghahanap sakin.
"Aba. Mababait nga ang mga tao dito pero may pagka-tsismoso't tsismosa din." rinig kong sabi ni Elise na natatawa pa sa may likuran ko.
Nagulat nalang ako nang higitin ni Karl ang kamay ko papalapit doon.
ELISE's POV
Ilang metro nalang ang layo ni Isela doon sa kumpulan nang bigla siyang tumigil.
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)
Romance"Let's start another season of our life, Love." --- "Let's remember together all our past experiences while living our lives to the fullest. . . as each other's wives." --- Will they really be able to say those words at the end of their heartbreakin...