CHAPTER 26

544 24 6
                                    


ELA's POV

"Si Vanessa! Naalala ko na!" masayang sabi ko kay Viah.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan at hindi ko maintindihan kung bakit.

Hindi ba sila masaya na may naalala na ulit akong bago mula sa nakaraan ko?

"Uh-oh." rinig kong usal ni Dave na nasa likuran ko.

Nakita kong nagkatinginan sila Ate Sienn, Kuya Zell, at Papa.

Kumunot naman ang noo ko.

At mas lalo akong naguluhan sa mga reaksiyon nila nang makita ko ang hindi maipintang mukha ni Viah.

"B-Baki---" pinutol niya ang sinasabi ko.

"You remembered that girl before me?? Instead of me??" parang hindi makapaniwala niyang tanong.

Teka. May problema ba dun?

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya 'ko.

"You already had the memory of your family somehow. Even Tobi. Sabi mo kanina naalala mo na din siya dati pero hindi mo lang agad natandaan. But... how about me?? Okay lang sana eh. Pero sa lahat ng sinabi mong naalala mo, bakit masyado ka atang masaya nang banggitin mo ang babaeng 'yon? Ganun mo ba talaga 'ko gustong kalimutan since that day??" inis niyang tanong pero mas nangingibabaw ang lungkot sa boses niya.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Masama bang matuwa?" sabi ko na mas lalong ikina-kunot naman ng noo ni Viah.

Inunahan ko na bago pa siya makapagsalita ulit.

Ang ewan niya eh.

"Diba nangako ako sayo na aalamin ko yung rason ko noon? Kung bakit hindi ko ipinaliwanag lahat? At kung bakit hindi ko magawang magalit... k-kay Vanessa."

Nalungkot ako sa pagbanggit sa pangalan niya dahil naaalala ko na naman ang naalala ko kanina.

----

Nakaupo kaming lahat dito sa sala.

Katabi ko si Viah ngayon na nakabusangot pa rin.

Nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa kung saan.

"So... what about Vanessa, Ahn?" tanong ni Kuya Zell.

Kaya nagsimula na 'kong magkwento.

"Sa pagkakaalala ko, kilala ko na siya nung kabataan ko pa?" sabi ko.

"Wag mo na ipamukha sakin na una kayong nagkakilala." komento naman ni Viah.

Problema nito??

Tss.

"Continue Ate Zen. Ate Viah is just too sensitive kapag si Ate Van ang pinag-uusapan." sabi naman ni Dave.

"Dave?? Are you siding with that girl now??" parang hindi makapaniwalang sabi niya.

"I told you..." bulong sakin ni Dave.

"Tss. Just tell us what you're going to say." sabi ni Viah na parang naiinip na.

"So ayun nga... M-May... malala pala siyang s-sakit." sabi ko.

Kita ko ang gulat sa mga reaksiyon nila.

"H-Hindi niyo alam??" takang tanong ko.

"I do." sabi naman ni Papa.

Napatingin naman kami sakanya.

"Ahn asked me back then, not to tell anyone. Because Vanessa wanted to keep it a secret too. Actually ayaw din niyang ipaalam kay Ahn noon pero nalaman din niya somehow." dagdag pa niya.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon