CHAPTER 11

560 31 3
                                    


VIAH's POV


"Tumahimik ka! Mabuti pa ay umalis ka nalang bago ko pa makalimutan na may utang na loob ako sayo sa pagtulong mo sa amin noon! At pwede ba?? Itigil mo na ang kahibangan mo at umuwi ka nalang kung saan ka man nagmula! Ilaan mo nalang yan na oras mo sa pagtanggap sa pagkawala ng kung sino mang kinakabaliwan mo!"

Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga naririnig ko.

Hindi ako makapaniwala.

She's literally yelling at me. With pure anger.

Na ngayon lang niya ginawa.

Ang sakit pala...

Ang sakit marinig at makitang hindi ka pinaniniwalaan ng taong mahal mo.

Ganito ba ang naramdaman niya noon nang hindi ko inalam ang totoong nangyari?

Noong agad lang akong naniwala at basta nalang nagpadala sa sarili kong emosyon?

I'm so sorry Zenice.

Everything was my fault.

I'm deeply sorry if I ruined your life. I'm sorry if I let you go through all this pain and sufferings on your own.

I'm sorry if...

...if I broke your heart that time.

This might be that thing called 'karma'.

And yes, it's definitely killing me.

----

Nandito ako ngayon sa labas ng bakod ng bahay nila Aling Celia.

Nakaupo ako sa isang mahabang kahoy na bangko. Katabi nito ay isang mayabong na puno kaya hindi ako naiinitan.

Pinagmasdan ko ang buong paligid.

It's so peaceful.

Everyone has a simple living but it's undeniably peaceful.

Kaya pala mukhang napamahal na si Zenice dito. Mababait pa ang pamilyang kumupkop sakanya.

Laging nakukwento sakin ni Zenice noon na gusto niya ng isang simpleng buhay.

Wala siyang interes sa yaman ng pamilya nila.

Sabi niya noon na kahit sandali ay gusto niyang maranasan ang buhay na malayo sa gulo at karangyaan.

Napatingin ako kay Aling Celia na umupo sa tabi ko.

Medyo matanda na siya. Late 70s siguro pero halatang malakas pa ang pangangatawan. Malumanay lang siya magsalita pati gumalaw kaya aakalain mo na mahina na siya.


I gave her a weak smile.

Ibinaling ko ulit ang paningin ko sa dagat kahit nakakasilaw ang repleksyon ng araw doon.

Hindi ako umimik dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin.

"Hanga ako sa tapang at tiyaga mo iha sa pagpunta mo pa lamang rito." panimula niya.

Itinuon ko nalang ang tingin ko sa may paanan ko.

"Mukha lang pong malakas ang loob ko. Pero ang totoo ay hinang-hina na ho ako..." I replied with a low voice.

"Nakakapanghina ng loob lalo na't mag-isa lang ako sa pagsubok na 'to... Hindi ko matanggap ang nangyari kay Zenice tatlong taon na ang nakakaraan. Parang... doble ang sakit na naramdaman ko kesa nung mawala si Dad. Pero siguro mas masakit talaga mawalan ng mahal sa buhay sa pangalawang pagkakataon..." sabi ko at mahinang tumawa pero halatang pilit lang.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon