ELA's POV
"Sit down. I'll make some soup... or do you want some porridge?" tanong niya habang nakangisi.
Takte naman Isela! Bakit ba kasi ngayon pa yan nag-alborotong tiyan mo?!
Nakakahiya!
Pero...
Kung iisipin ay okay lang naman. Dahil dun ay nakalayo na siya sakin. Kesa naman halos mawalan na 'ko ng hininga kanina dahil sobrang lapit ng mga mukha namin.
Ano ba naman kasing babaeng 'to! Hindi ko malaman kung anong trip sa buhay. Minsan mukhang may deperensiya sa pag-iisip. Pero mukha naman siyang okay kung titignan. Basta wag lang niya akong tatawaging Zenice.
"A-ako nalang gagawa niyan. Papakainin ko din si Elise maya-maya." sa wakas ay nagawa kong makapagsalita. Akala ko nalunok ko na dila ko eh.
Pansin ko namang napatigil siya sa paggalaw.
Akala ko nga uutot lang eh. Pero gumalaw naman agad siya ulit.
Baka hindi natuloy.
Pero hindi niya ba 'ko narinig?
Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala siya.
At dahil dun ay napansin ko na naman ang damit at buhok niya na nabasa kanina ng ulan. At hanggang ngayon ay nakasuot pa rin siya ng napakataas niyang sapatos. Hindi ba siya nasasaktan dun?
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis.
Baka dahil... bingi 'tong kausap ko at hindi narinig ang sinasabi ko kanina?
Napabuntong hininga nalang ako.
Pero naiinis pa rin ako!
Pero bakit!
Haynako!
Napansin ko nalang bigla ang pagtingin niya sakin.
Nahawakan ko na pala ang kamay niya para pigilan siya sa gagawin niyang pagluluto.
"Hindi mo ba na-gets na gusto kong magpalit ka muna dahil halos matuyo na 'yang basa mong buhok at damit?" sabi ko sakanya.
Ano bang ginagawa ko?? At anong sinasabi ko?? May sariling utak ba 'tong bibig ko?!
Gusto ko sanang mag-sign of the cross dahil mukhang may ibang kumokontrol ng katawan ko.
Pero hindi ko magawa dahil parang ayaw pang bitawan ng kamay ko ang kamay niya.
Isela! Gumagamit ka ba ng ipinagbabawal na gamot?!
Jusko naman!
"T-tsaka mas lalo akong nagugutom kapag naghihintay. Mas mabuti nang ako mismo ang magluto. Isa pa... luto ko kasi ang gustong kainin ni Elise kapag may sakit siya at---"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para makaisip ng palusot sa ikinikilos ko. Pero hindi naman niya 'ko pinatapos sa sinasabi ko. -__-
Hinigit niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
Pansin ko din ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.
"Fine." maikli niyang sagot at agad akong tinalikuran saka siya diretsong pumasok sa loob ng kwarto niya.
Aba't...
Muli na naman akong napahinga ng malalim. Saka ko na ipinagpatuloy ang pagluluto para mainitan man lang ang mga tiyan namin.
Pero...
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)
Roman d'amour"Let's start another season of our life, Love." --- "Let's remember together all our past experiences while living our lives to the fullest. . . as each other's wives." --- Will they really be able to say those words at the end of their heartbreakin...