CHAPTER 5

779 33 7
                                    




ELA's POV

"Isela..." narinig ko ang pagtawag sakin ni Elise.

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang haplos sa puso ko sa tuwing naririnig ko ang sarili kong pangalan.

Nakakatawang isipin pero masyado ko atang mahal ang sarili ko.

"...ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang masyadong imik." dagdag na sabi ni Elise.

Napatingin ako sakanya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

Humahanga talaga ako sa ganda ni Elise kahit napakasimple lang nito. Napakaamo din ng mukha na akala mo ay hindi marunong magalit.

Naalala ko tuloy kapag sinusubukan niyang maging istrikta sa mga batang tinuturuan niya sa isla. Mukhang epektibo naman sa mga bata dahil tumatahimik naman sila pero iba ang dating saakin nun.

"Ayos lang ako. Napagod lang ata ako sa dalawang oras na biyahe sakay ng bangka." sagot ko sakanya sabay ngiti nang bahagya.

Mula kasi nang makarating kami sa may pier, parang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko din maintindihan ang biglang pagsakit ng ulo ko. Baka nabigla lang ako sa napakaraming tao na nadatnan namin nang makarating kami sa bayan.

Unang beses ko kasing pagluwas ito kaya paniguradong maninibago talaga ako.

Kadalasan kasi ay si Nanay Celia ang sumasama kay Elise sa pagpunta sa bayan kada buwan para mamimili ng mga kailangan ng mga bata sa pag-aaral.

"Bakit dito tayo Elise? Hindi pa ba natin nabibili lahat? Tsaka... h-hindi ba mahal ang mga pamilihin dito?" tanong ko nang bumaba kami mula sa tricycle na mukhang kakilala ni Elise ang may-ari. Panay naman ang tingin ko sa napakalaki at ilang palapag din na building na kaharap namin ngayon.

Hindi ko din maintindihan kung bakit mukhang pamilyar saakin ang lugar na ito. Napunta na kaya ako dito dati?

"May bibilhin lang ako na siguradong magugustuhan ng mga bata. Gusto ko din na magandang kalidad ang gagamitin nila para kahit papano ay magtagal sakanila." sagot niya.

Napatingin naman ako sakanya.

"Gagamitin mo na naman ba ang sarili mong pera? Elise naman. Alam kong masyado mong mahal ang mga estudyante mo pero kailangan mo rin namang magtabi para sa sarili mo." sabi ko sakanya.

Tumawa lang siya nang bahagya.

"Alam ko naman yan. Wag kang mag-alala. May sapat akong panggastos para sa sarili ko." sabi niya habang natatawa pa saka hinigit na 'ko papasok ng mall.

Pumasok kami kung saan may nakikita akong mga libro at mga gamit pang-eskwela sa may bandang dulo.

Hindi ko alam kung ano-anong kinukuha ni Elise at nilalagay sa isang medyo maliit lang na handcart. Ako naman ay patingin-tingin lang sa mga gamit na nandoon.

Bakit kaya mukhang hindi ako naninibago sa mga nakikita ko?

"Mama! Bibilhan mo na ba 'ko nung sinasabi ko sayong mga libro??" narinig ko ang sabi ng isang bata na mukhang excited.

Narinig ko rin ang pag-ring ng cellphone ni Elise na agad naman niyang sinagot habang nagbabayad siya ng mga pinamili niya.

"Bibilhan muna kita ng papel dito 'nak. Sa susunod na yung mga librong yun. Wag na makulit ha? Bibilhan kita mamaya ng paborito mong ice cream doon sa ice cream shop na lagi nating pinupuntahan dito sa mall. Hm?" pagkumbinsi ng ina sa anak niya.


I-Ice cream shop...

"Mama naman eh! Diba sabi ko kelangan ko yung mga libro na yun sa school?? Lahat ng classmates ko meron na, ako nalang ang wala! Sige na pleeeease??"

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon