CHAPTER 34

569 25 7
                                    

VIAH's POV

"Kuya! Kuya!"

Nabaling ang atensiyon namin ni Vico sa isang batang babae na tumatakbo papalapit samin.

She's familiar. I'm sure she's one of Elise' student.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Vico.

Right. Hindi siya mahilig--- I mean... ayaw niya sa bata.

Pfft.

Pinagmasdan ko lang ang bata na ngayon ay nakatayo na sa harap ni Vico.

Nakahalukipkip at nakanguso pa 'to habang nakatingala sa kaharap niya.

Mas matangkad pa naman 'to sakin.

"Bakit niyo naman po pinaiyak yung bespren ko??" parang nanunumbat na sabi nung bata.

Napatingin naman ako kay Vico.

Nagpaiyak siya ng bata??

"What? I didn't do anything. Sinabihan ko lang naman na hindi ako makikipaglaro sakanya because I'm too old for that and I'm not really in the mood." sagot naman niya na parang ang sungit pang pakinggan.

"Nagustuhan lang naman kayo ng bespren ko kaya gusto niya sainyong makipaglaro po eh! Hindi mo naman po siya kelangang paiyakin!"

Pinipigilan kong matawa dahil sa pinapanood kong sagutan nila.

"Damn. That's why I hate kids. Paulit-ulit at hindi nakakaintindi." rinig kong bulong ni Vico.

"I... I'm sorry. Okay?" sabi niya sa bata na parang wala pa sa loob.

Hahahaha.

"Nakakainis ka pa rin po!" sigaw ng bata.

She's so cute tho. Hindi pa rin naalis yung po niya sa huli. Hahahaha.

Nakita ko namang nagulat si Vico sa pagsigaw nito.

"W-What? Nag-sorry na nga diba?? Ano pang gusto m---"

"Wala! Tsk! Gwapo ka kanina pero ngayon hindi na! Panget! Panget!" sabi ng bata na parang naiiyak na din.

Vico's eyes widen at parang hindi makapaniwalang nasabihan siya ng panget. Hahahahaha.

"S-Sinong panget?? Hindi mo ba nakikita ang mukhang 'to?? Ikaw ang panget!" bawi ni Vico.

Gosh. He looks so childish right now.

Lalapitan ko na sana yung bata para patahanin because I already saw her teary eyes, pero biglang dumating si Elise.

"Lara!" tawag niya sa bata habang lumalapit samin.

"Waaaaahhhh! Ate Elise! Huhuhuhu!" iyak nung bata.

Patakbo siyang nilapitan ni Elise.

She crouched para pumantay sa bata.

Nag-aalalang pinapatahan niya ito.

"Tahan na... Shh... Wag ka nang umiyak... Big girl ka na diba? Gusto mong tawagin kang ate nila kambal diba? Baka hindi na yun mangyari pag nakita nilang mas iyakin ka pa sakanila... Tahan na, hmm??" malambing na pag-alo ang ginawa ni Elise habang hinahaplos ang likuran nito at pinupunas ang mga luha.

Parang natulala pa 'ko sa ginagawa niya. Ang lambot kasi ng boses niya na parang automatic ka talagang tatahan.

Unti-unti namang tumigil ang bata.

"Ayan... Very good! May chocolate ka sakin mamaya. Okay?" nakangiti nitong sabi at napatango naman ang bata na nakangiti na din ngayon.

Elise smiled sweetly at her.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon