CHAPTER 7

622 32 12
                                    


VIAH's POV



Tahimik lang kami simula nang magdrive ako.

Pasulyap sulyap lang din ako sa kanya sa rearview mirror.

Pero...

Ang sakit lang pagmasdan.

Masakit makita ang sobrang pag-aalala niya sa ibang tao maliban sakin at sa pamilya niya. Na halos hindi niya 'ko mapansin kahit magkasama kami ngayon.

I scratched the thought.

Wag kang ganyan Viah. Baka masakal si Zenice sayo pag nagkataon. Lalo na't hindi ka naman niya naaalala. Be patient enough.

Nagfocus nalang ako sa pagda-drive. Hindi naman gaanong malayo ang condo ko. Fifteen minutes drive will do.

Maya-maya ay nakarating na kami. Tinulungan ko siyang alalayan ang kasama niya na mukhang lamig na lamig pa rin hanggang ngayon.

Hindi ko maalis ang tingin kay Zenice.

Ganun din siya. Kaso sa iba nga lang at hindi sakin.

Hindi niya maalis ang paningin sa kasama niya.

I'm really happy that she's here... that she's well and alive.

Pero hindi ko maiwasan ang malungkot dahil gustong-gusto ko na siyang yakapin at hawakan pero hindi ko magawa. I want to say everything to her. Tell her who she really is, and about the incident three years ago.

I badly want to tell her...

I badly want her right now.

Pero ayokong madaliin at biglain siya.

"S-Sigurado ka bang ayos lang na dito siya matulog?" I came back to my senses when Zenice spoke.

"Ah... Yeah. Looks like she needs to be comfortable and feel more warmth." sabi ko nalang sakanya habang nakatingin dun sa babae na ngayon ay nakahiga na sa kama ko.

Gosh. Kelan pa 'ko naging ganito kabait?

Once your memories came back, I'll make you pay for this Zenice. Sisingilin kita sa ibang paraan na gusto ko. Hope you'll be ready enough. Tss.

"M-maraming salamat talaga." nahihiya niyang sabi.

"I'll get some warm water for her." I said at akmang lalabas na pero hinawakan niya 'ko sa braso.

Para na naman akong dinaluyan ng ilang boltahe ng kuryente.

Inalis niya agad ang pagkakahawak sakin nang tingnan ko yun.

"P-Pasensiya---"

"Stop saying sorry and thank you Zeni---I mean, Isela." sabi ko. I'll call her by that name for now. Para hindi na din siya maging uncomfortable masyado. But it doesn't mean na ide-deny ko na hindi nga siya si Zenice.

"O-okay." sabi niya at medyo nagpout pa.

Err... ano ba Zenice.

Tsk.

"A-Ako nalang ang magpupunas sakanya ng maligamgam na tubig. Ako na din ang kukuha 'non. Ituro mo lang sakin kung saan. Tsaka kailangan ko munang alisin ang basa niyang damit. Papatuyuin ko muna at---"

"No!" agad siyang napatingin sakin na gulat ang ekspresyon.

"A-Ang ibig kong sabihin... a-ako nalang ang magpapalit sakanya ng damit. Mukhang pagod ka na din. I'll let her borrow some clothes too." sabi ko.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon