ELA's POV
Pagbaba namin sa kotse ay napatingin kaagad ako sa napakalaking bahay na nasa harapan ko ngayon.
"This is our house Zenice. Your home." sabi ni Ate Clara na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa braso ko.
Kahit kanina pa 'ko naiilang ay hinayaan ko nalang.
"Let's get inside?" sabi naman ng isang lalaki na iyon daw ang tatay ko. Ngumiti naman sakin ang isa pang lalaki na kapatid ko rin daw.
Napatingin naman ako sa isang bata na katabi niya. Tahimik lang itong nakatingin sakin habang nagpupunas ng mga luha. Mukhang pinipigilan niyang maiyak dahil kaagad niyang pinupunas ang mga luhang nasa pisngi niya.
Nilapitan ko siya.
"W-Wag ka nang umiyak. Ayoko ng batang iyakin." sabi ko sakanya na may halong pagbibiro.
Mahina naman siyang napatawa kaya napangiti ako.
"I know. I'm sorry Ate Zen but I'm really trying not to cry. I just can't help it." sabi niya na parang napipiyok pa.
"Hayaan mo na Ahn. Masaya lang yan si Third dahil nandito na ulit ang paborito niyang kapatid." sabi naman ni Kuya Zell habang natatawa at ginugulo ang buhok ng bata.
Kahit papano ay nabawasan ang pagkailang ko.
-----
Nandito kami ngayon sa hapag-kainan nila.
Ang ganda at ang laki talaga ng bahay na 'to. Mas lalo akong namangha nang makapasok kami.
Ang haba nga ng mesa eh. Pati ba lahat ng katulong at iba pang tauhan nila eh sumasabay sakanila sa pagkain? Sigurado kasing kasya silang lahat dito eh.
Sabay-sabay kaming kumain. Kahit sabihin nilang wag akong mahihiya ay hindi ko pa rin magawa. Kahit sabihing sila nga ang totoo kong pamilya, hindi ko pa rin sila matandaan at parang una palang naming pagkikita ito kaya hindi ko maiwasang mailang.
Kaunti lang ang nakain ko dahil pakiramdam ko ay hindi naman ako gutom. At isa pa, nararamdaman ko ang mga pasulyap at titig nila sakin.
Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang matapos kaming lahat kumain.
Alam kong madami silang mga tanong at gustong sabihin pero hindi ata nila alam kung pano sisimulan. Pero wala naman akong magagawa dahil mas lalong hindi ko alam ang sasabihin.
"Naging... maayos ba ang kalagayan mo anak?"
Nagulat ako sa biglang tanong ng tatay ko raw.
"O-Opo." sagot ko naman. Hindi ko alam kung ipapaliwanag ko ba o ikukwento ang mga nangyari sakin, o isang sagot isang tanong lang ang gagawin ko.
"Sigurado ka ba Zenice na naging maayos ang buhay mo? May nanakit ba sayo? Hindi ka ba minaltrato ng mga kumupkop sayo o ng kung sino man?"
Napatingin ako kay Ate Clara dahil sa mga sinabi niya.
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya pero hindi ko pa rin nagustuhan ang lumabas sa bibig niya.
"Hindi ganoon sila nanay o kahit ang mga ka-isla namin." sagot ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya.
Para namang hindi niya inasahan ang naging reaksiyon ko dahil hindi kaagad siya nakapagsalita.
"S-Sorry. I didn't mean it like that." sabi niya saka napayuko. Parang na-guilty naman ako roon kaya napaiwas ako ng tingin.
"P-Pasensiya na rin." sabi ko nalang.
"Napakasaya ko at totoo ngang buhay ka Zenice, anak. Akala ko ay makikita kitang muli kapag nawala na ako sa mundong 'to."
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)
Romance"Let's start another season of our life, Love." --- "Let's remember together all our past experiences while living our lives to the fullest. . . as each other's wives." --- Will they really be able to say those words at the end of their heartbreakin...