CHAPTER 15

572 30 18
                                    


ELISE' POV

Nandito ulit ako kila 'nay Celia.

Lagi naman. Haha

Kakatapos lang namin kumain ng pananghalian pero nandito parin kami sa hapag-kainan ngayon, kumakain ng dala ni Viah na ice cream. Nagdala pa talaga siya ng ice box dito sa isla para hindi 'to matunaw.

Tatlong flavor ang dala niya. Ube, chocolate, at vanilla flavor.

Ang alam ko ay paborito ni 'nay Celia ang Ube, tsokolate naman kay Kuya Kael, at sa pagkakaalam ko ay hindi gaanong mahilig si Ela sa ice cream. Ganun din ako. Kung natatandaan ninyo ay hindi ako mahilig sa malalamig na lugar, ganoon din sa pagkain.

Pero sa ngayon ay okay lang. Mainit naman ang panahon kaya hindi naman ako nito sisipunin.

"Ayos lang ako. Hindi ako mahilig diyan." sabi ni Ela pagkatapos siyang bigyan ni Viah sa isang maliit na mangkok ng vanilla-flavored ice cream.

"Wag mo nang pilitin Viah. Hindi nga 'yan mahilig dito. Lagi niyang inaayawan kapag bumibili din kami nito noon." sabi ni Kuya Kael.

"Because that's the wrong flavor Kuya Kael. This one is her favorite." sabi naman ni Viah na malawak ang ngiti.

Kumunot naman ang noo ni Ela at maya-maya pa ay tinikman niya yung binigay ni Viah.

Nawala ang busangot sa mukha niya at nakaiwas na ngayon ng tingin samin habang sunod sunod na sumubo.

"Yun naman palaaa." sabi ko habang natatawa.

Tumingin nalang ako sa kinakain ko nang maramdaman ko na naman ang matatalim niyang tingin.

"B-Ba't parang may kulang?" rinig kong tanong niya kay Viah. Wala nang bahid ng inis sa tono niya. Para siyang pusa na nanghihingi ng pagkain. Hahahaha

"Ah! Right. Sorry I forgot." sabi ni Viah saka may kinuha sa dala niyang paperbag. Inilapag niya sa mesa yung isang tupperware at binuksan 'yon.

"Grilled banana. Your favorite combo together with vanilla ice cream." sabi ni Viah.

Tinaasan siya ng kilay ni Ela. Pero maya-maya ay kumuha rin siya nun at kinain kasabay ng ice cream niya.

Dahan-dahan siyang napatingin kay Viah. Saka sunod niya kaming tiningnan isa-isa nila 'nay Celia. Naghihintay kasi kami ng reaksiyon o sasabihin niya.

"Anong tinitingin-tingin niyo? Kumain din kayo ng inyo." sabi niya saka inilayo pa samin ang kinakain niya.

Natawa nalang kaming lahat sakanya.

"Uhm... Aling Celia?"

Napatingin kami kay Viah sa biglaang pagsasalita niya.

"Bakit iha?" tanong naman ni 'nay Celia.

"Gusto ko lang pong malaman kung... bakit Isela ang naisipan niyong ipangalan sakanya noon?" tanong ni Viah.

Napatingin naman ako tsaka si Ela kay 'nay Celia, naghihintay ng sagot.

"Oo nga po 'nay. Yun din po ang gusto kong itanong sainyo noon pero hindi lang natuloy hanggang sa hindi ko na tuloy naisip." sabi ko naman sakanya.

Walang imik lang na nakikinig si Ela.

Pansin ko naman na parang may iniisip din si Kuya Kael.

Sila siguro ni 'nay Celia ang nagbigay ng pangalan kay Ela.

"Ah ayun ba." sabi ni 'nay Celia.

"Bago kasi magkamalay noon si Isela ay mukhang binabangungot yan. Mga ilang linggo din siguro yun. Akala nga namin magigising na siya pero hindi pa rin dumidilat ang mga mata niya. Panay ang pagsasalita niya ng kung ano-ano." panimula ni 'nay Celia.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon