CHAPTER 14

521 29 5
                                    


ELISE' POV


Sabado ngayon at heto ako, naglalakad papunta sa bahay nila 'nay Celia.

Nahagilap ng mata ko ang isang babaeng kakababa lang sa isang bangka.

Si Viah!

Alam kong siya yun dahil sa pula niyang buhok.

Patakbo akong lumapit sakanya.

"Viah!" tawag ko sakanya habang nakangiti.

Tumigil naman siya at napatingin sakin.

"Elise." bati niya at binigyan din ako ng isang ngiti.

Parang kumikinang naman ang ganda niya pati ang suot nito kahit simple lang.

Naka-white button down shirt siya tsaka faded blue high-waist jeans na above ankle lang ang haba. Brown laced booties naman ang suot niya sa paa. Buti nalang hindi gaanong nabasa.

Panay tingin naman ng iba sakanya kaya inaya ko na siya.

"Halika na. Sabay na tayo papunta kila 'nay Celia." sabi ko.

Sumunod naman siya sakin. Malapit lang naman ang mga bahay sa tabing dagat eh.

Nakahilera lang ang mga kabahayan dito. Mga dalawampung metro ang layo mula sa tabing dagat. Maliit na kakahuyan naman ang nasa likod ng mga bahay namin. Nasa gitnang parte ito ng Isla.

Napansin kong nakasunod samin yung may-ari ng bangkang sinakyan ni Viah. May dala itong isang kutson na pang-isahan lang.

"That's for Mang Anton. I just thought na kelangan niya ng mas kumportableng higaan. Hindi naman siguro sila magagalit diba? Baka kasi kung magdala ako ng iba't ibang materyal na bagay para sainyo eh hindi kayo matuwa. Baka kung anong isipin nila lalo na ni Zenice. But... maybe that would be okay?" sabi niya saka ngumiti.

Muntik na 'kong matulala sakanya. Ang gandang nilalang naman kasi nito.

"A-Ah. Oo naman. H-Hehe." sabi ko.

Naku naman. Mukha ata akong tanga.

"Kuya ano ba?? Sabi nang tigilan mo na 'yang pang-aasar mo eh! Sinabi ko nang hindi ko siya hinihintay!"

Napatigil kami ni Viah nang makita namin sila Kuya Kael at Isela na nagsisigawan.

Mukhang nagpapahinga si Kuya Kael sa pagsisibak ng kahoy habang si Ela naman ay iniipon sa isang gilid yung mga nasibak na. Hindi nila kami napansin dahil nakatalikod sila sa pwesto namin.

"Hahahahaha! Eh bakit ba apektado ka? Nagtatanong lang naman ako---"

"Paulit-ulit ka naman kasi eh! Sabi nang hind---"

"O Viah! Buti nalang at bumisita ka ulit? Halika iha, Elise. Pasok kayo." palabas si 'nay Celia sa bahay nila nang makita niya kami.

Nakita kong napatigil at tulala samin yung magkapatid. Hindi ata nila inaasahang makikita nila ang katabi ko ngayon. Hahahaha

Lumapit ako para magmano kay 'nay Celia saka naupo sa balkonahe nila.

Nakita ko naman na nakatingin sakin si Viah saka tumingin naman kay 'nay Celia at sa kamay nito.

Mukha siyang... ewan. Pft.

Maya-maya pa ay nagmano din siya.

Ah. Ginaya niya 'ko. Hahahahahaha

"Kaawaan ka ng Diyos iha." sabi ni 'nay Celia na napangiti din.

"Po?" tanong naman ni Viah na nakataas pa ang dalawang kilay.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon