VIAH's POV
"Z-Zenice... Zenice wake up. Zenice!"
Bigla akong nataranta nang bigla nalang siyang mawalan ng malay.
Marahan pero sunod sunod ang ginawa kong pagtapik sa pisngi niya.
Hindi ko alam ang gagawin. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas pero wala akong magawa.
Hindi naman ako pwedeng tumawag ng ambulansiya. Hindi pa pwedeng malaman ng lahat na buhay siya. Sigurado akong may makakakilala sakanya lalo na sa mga ospital na malapit dito. Hindi ko siya pwedeng biglain. Lalo na't nawala ang mga alaala niya. Baka hindi niya kayanin na pagkagising niya ay bigla nalang nagbago ang buhay na kinagisnan niya sa isla na 'yon.
Hindi ko naman mahingian ng tulong si Tobi dahil siguradong nasa ospital siya para sa Dad niya. Ayoko nang dumagdag sa mga problema niya ngayon.
But what should I fckn' do?!
"Zeni---" bigla akong napatigil sa paghinga.
"Uhmm..."
Gumalaw siya!
"...inaantok na 'ko 'Nay Celia..."
Halos hindi ko maintindihan ang mahihinang boses at mga salitang lumabas sa bibig niya.
Pero napahinga ako nang maluwag dahil alam kong natutulog lang siya.
Rinig ko ang mahihina niyang hilik. Tumagilid din siya paharap sakin at bahagyang napaakap sa mga binti ko.
Thank God.
Tuluyan na 'kong napasandal sa edge ng couch dahil parang bigla akong nanghina dahil sa pagkapanatag sa kalagayan ni Zenice.
Siguro ay dahil na rin sa sobrang pagod ngayong araw kaya hindi na niya kinaya pang dalhin ang hindi inaasahang mabibigat na pakiramdam kanina.
After awhile ay nahimasmasan na din ako.
Pero ramdam ko na din ang antok at pagod sa katawan ko.
Napagdesisyunan kong dito nalang sa couch patulugin si Zenice. At doon nalang ako sa couch sa kwarto ko. Hindi ko na din kayang buhatin pa siya papasok tsaka baka magising pa yung Elise na yun. Baka magtanong pa ng kung ano-ano tungkol sa nangyari.
Inayos ko nalang ang itsura ni Zenice at pagkatapos ay maayos ko siyang binalot ng comforter para hindi siya lamigin.
I kissed her forehead.
At nang sa tingin ko ay okay na siya, ako naman ang pumasok sa kwarto ko para matulog sa couch doon.
I still can't believe this. First time kong matutulog dito ng magdamag.
Tss.
Bago ako mahiga ay chineck ko muna yung Elise.
Hindi ko nga alam kung bakit eh.
Pero pakiramdam ko kasi ay malalagot ako kay Zenice kapag hindi naging maayos ang lagay nito.
Aish! Why do you even care Viah?!
Tsk!
Umupo ako sa may kabilang side ng bed ko.
Habang nakatingin ako sa babaeng 'to, hindi ko maiwasang maisip ang mga posibleng nangyari kay Zenice. I also wonder kung paano siya namuhay sa islang sinabi niya. Masaya naman kaya siya dun?
Pero base naman sa nakita ko, mukha namang okay siya.
"I... don't have any damn idea what happened... Pero... salamat sa pag-aalaga kay Zenice sa mga panahong wala ako at ang pamilya niya sa tabi niya. Salamat sainyo dahil nakita ko ulit ang taong nagbigay kahulugan sa buhay ko..."
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)
Romance"Let's start another season of our life, Love." --- "Let's remember together all our past experiences while living our lives to the fullest. . . as each other's wives." --- Will they really be able to say those words at the end of their heartbreakin...