CHAPTER 37

673 21 8
                                    

ZENICE' POV

Pinag-isipan kong mabuti yung ginawa at mga nasabi ko.

Masyado lang naman akong nag-alala para kay Elise kaya hindi ko na napansin pa kung ano mang lumabas sa bibig ko.

Inaamin kong nainis ako kay Viah kanina. Pero hindi ko inintindi ang intensiyon niya at pinag-isipan pa ng hindi maganda.

Aish. Sumobra ka na naman Isel--- Zenice eh.

Tsk.

Pumasok na 'ko sa loob.

Nakita ko si Terry na nakahiga sa couch habang nakatakip ang isang braso sa mga mata niya.

Mukhang tulog.

Nalungkot ulit ako nang maisip ko yung nangyari kanina.

Sana maging maayos din siya.

Wala akong mahagilap na Viah dito kaya tinungo ko ang nag-iisang kwarto sa loob.

At tama nga ako.

Nandoon siya.

Natutulog.

Dahan-dahan akong pumasok at doon ko lang napansin na nasa loob din pala si Kuya Vico.

Mukhang malalim din ang tulog sa couch.

Lumapit ako kay Viah at nakita ko ang mukha niyang parang napakatahimik pag tulog.

Umupo ako sa may gilid niya at napangiti nang hindi ko namamalayan.

Umusod siya ng kaunti at tumagilid ito paharap sa pwesto ko.

"S-Sorry..." mahinang sambit ko.

Parang bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

Hindi ako sigurado kung humihingi ba 'ko ng tawad dahil lang sa nangyari kanina o kung may iba pa bang dahilan.

At kung sakali mang yun nga, hindi ko matukoy kung ano o ano-ano ang mga 'yon.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya.

Tinanggal ko ang ilang hibla na nakaharang sa maganda niyang mukha.

Hanggang sa dahan-dahang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya gayong tulog pa ito.

Nananaginip ba siya?

"I hate you..." rinig ko ang mahinang sambit nito.

"I hate you Zenice..." sabi pa nito na parang lasing kung magsalita.

Napaisip naman ako.

Ang sama ko ata sa panaginip niya.

"I... hate you for hating me... that much..." halos hindi malinaw ang pagkakasabi nito pero naintindihan ko pa rin sa huli.

Parang nadaganan naman yung puso ko dahil sa sinabi niya.

"I hate you, but... still... I... love you..."

Nakita ko ang pagkulot ng kilay nito na parang nalulungkot... Parang naiiyak.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil parang hindi ko kayang ganito siya.

"I... love you... that I'm willing to... let you...go..."

Bigla akong napatingin sakanya nang marinig ko ang mga katagang binitawan nito.

Bakit ganun?

Hindi maayos ang pagsasalita niya at kung iba ang nandito ay tiyak na hindi ito gaanong maiintindihan. Pero bakit malinaw sa pandinig ko ang lahat ng sinasabi niya?

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon