ELA's POV
Nandito kami ngayon sa hapag-kainan para kumain ng tanghalian.
Pinasadahan ko ng tingin yung babae, si... Viah.
"Baka bago ako makakain tunaw na 'ko niyan." sabi ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
"H-Ha? Ah--- s-sorry..." mahinang sabi niya.
Kita ko ang pagpipigil ng ngiti ni Elise kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.
"Kumain ka na Viah anak. Wag kang mahihiya." malumanay na sabi ni Nanay.
Bakit ba sobrang bait niya? Parang gusto nang ampunin lahat ng tao kung maka 'anak' sa kahit sino.
Nakitang kong naglagay na din si Viah ng kanin sa plato niya.
Pero halos malaglag ang panga ko sa soooobrang dami ng nilagay niya.
Sana naramdaman niyo yung pagka-sarkastiko ko.
Tss.
"Sisiw ka ba?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"H-Ha?" walang malay niyang tanong.
Napatingin siya sa plato niya na tinitignan ko.
Pansin kong napatingin naman ang lahat doon.
Dinagdagan ko yung kanin niya.
"Mas marami pa atang kumain yung mga manok namin kesa sayo. Tingin mo ba aabot ka pang buhay bago ka makabalik sainyo?" sabi ko habang patuloy pa rin ang paglalagay ng kanin sa plato niya.
Napatigil ako ng makita kong nakatitig lang siya sakin at parang lungkot na lungkot na naman.
Anong ginawa ko??
Tinigil ko na ang ginagawa ko at binigyan naman niya 'ko ng isang tipid na ngiti.
Nang mapatingin siya sa plato niya ay agad lumaki ang mga mata niya.
"Zenice, are you trying to feed a pig?? It's too m---" napatigil siya nang mapatingin sakin.
Seryoso lang ang ekspresyon ko.
"I'll eat it then." sabi niya sabay tingin sa plato niya na parang nalugi.
Nagsimula na akong kumain pagkatapos kong iabot sakanya ang ulam naming inihaw na isda at toyo na may kamatis, suha at sili.
Pero napatigil ulit ako nang mapansing hindi pa rin siya nagsisimulang kumain. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa aming lahat tapos sa plato niya.
"Wag mo sabihing ayaw mo ng ulam?" sabi ko.
Napatigil naman sila Nanay at napatingin din kay Viah.
"A-Ah. No... I was just wondering if you have some... spoon and fork? Or... something like that?" tanong niya.
Siguro kung si Aling Betty lang ang kaharap nito ngayon, nabatukan na siya sa kaartehan niya.
"Hindi yan uso samin dito. Kung ayaw mong gamitin 'yang kamay mo, yan nalang na maganda mong bibig ang---" natigil naman ako nang magsalita si Nanay.
"Isela." sabi niya na may tonong pagbabanta.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
"Pasensiya na iha at hindi ko naisip na hindi ka nga pala sanay sa ganito... Mikael. Hanapin mo nga iyong kubyertos na---"
"No! I-I mean... it's okay. I could a-also... do that." sabi niya habang nakatingin sa mga kamay namin.
Nag-aalangang tumango nalang si Nanay at si Kuya Kael saka nagpatuloy na din sa pagkain.
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)
عاطفية"Let's start another season of our life, Love." --- "Let's remember together all our past experiences while living our lives to the fullest. . . as each other's wives." --- Will they really be able to say those words at the end of their heartbreakin...