VIAH's POV
"Ano Viah gurl? Kilig ka 'no? Halatang nagselos ang dakilang Zenice Ahn Oliver kay Kapitan Castillo." Tobi said, teasing me.
May pasundot-sundot pa ang gaga.
"S-Shut up Tobi... B-Baka nangangalay na talaga siya. Nagbuhat tayo ng kung ano-ano kanina diba?" sabi ko naman.
"Sus. Hindi naman reklamador si Zenny girl eh. Tsaka hindi naman super bigat yung mga 'yon ano... Pero aminin mo na kasi. Kinilig ka 'no? Hihihihihi!"
Gusto ko mang balibagin siya pero hindi ko magawa dahil napapangiti na din ako.
I just bit my lower lip para hindi gaanong halata.
Hindi naman sa pag-assume pero parang ganun na nga. Pft.
Actually, that's how Zenice gets jealous.
Tingin palang niya, malalaman mo nang hindi siya natutuwa.
Natatakot sakanya noon ang mga pinagseselosan niya pero ako?
Nah. I loved it. I find it so adorable. Maybe because minsan lang siya magselos kaya gustong-gusto kong makita siyang ganon.
"Hey hey. Yung kanina bang babae ang tinutukoy niyo?? What's her name? Zenice? And---n-nagseselos siya samin ni Viah kanina? Why? I-Is it because... she likes me? Do you think she likes me? Ha Tobias? Viah? Actually pagkakita ko palang sakanya kani--- ouch! What the hell?!" binatukan ko si Paolo bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
Bwiset 'to. After how many years na pagkikita namin binu-bwiset na niya 'ko.
Tss.
I glared at him.
Si Tobi naman tumawa lang.
"Ano ba naman Viah?? Eleven years akong nahiwalay sainyo, ang lakas mo pa ring mambatok hanggang ngayon!" reklamo naman niya.
"Kaya nga bugbog sarado ako nung iniwan mo 'kong mag-isa diyan. Ako nalang ang napagbubuntungan lagi. Pero ngayong nandito ka na, baka mabawas-bawasan na. Hahahahaha!" Tobi said.
"And by the way, ilang taon ka na sa England pero bakit ang slow mo pa rin sa mga bagay-bagay, Pao?? Gosh! I can't believe you!" Tobi added.
Napakamot nalang si Paolo sa batok niya saka kami nginitian na parang ewan.
Paolo Castillo.
He's a childhood friend of mine. So mas nauna ko siyang nakilala kesa kay Tobi na na-meet ko naman nung fifteen years old ako. The three of us were best of friends back then. Pero umalis siya nung seventeen years old kami. He said that he'll be staying for good with his father in England. Namatay kasi sa car accident yung mother and brother niya nun. Kaya kinuha siya nung ama niyang nasa ibang bansa.
So I didn't expect na babalik pa siya dito.
But we're really happy to see him again.
Honestly speaking, childhood crush ko din ang lalaking 'to kahit ang payat niya pa nun.
He really has the looks and charm even with his skinny body back then.
Pero mula nung dumating si Tobi, narealize ko nalang basta na hindi ko na gusto si Paolo.
Siguro kasi, sandamakmak ang crushes ni Tobi noon at ako ang dinadada niya kapag gusto niyang magshare ng mga feelings niya. Kaya somehow, narealize ko na hindi naman gaanong malalim ang pagkagusto ko kay Paolo tulad ng mga feelings nung baklita noon sa kung sino-sinong lalaki niya.
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)
Romance"Let's start another season of our life, Love." --- "Let's remember together all our past experiences while living our lives to the fullest. . . as each other's wives." --- Will they really be able to say those words at the end of their heartbreakin...