CHAPTER 24

582 32 11
                                    


TOBI's POV

6am palang gising na 'ko.

Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa lagay ni Viah.

Pinilit ko siyang dun nalang ako mag-sleep over sa condo niya para samahan ko siya pero itinaboy ako nung babaita.

Kaya ko naman sana magmatigas pero yung mga nangungusap na naman niyang mga tingin, nakaka-hypnotized. Ramdam kong gusto talaga niyang mapag-isa.

Nagmadali akong nagprepare para puntahan siya sa condo niya.

I used the doorbell pero wala atang balak pagbuksan ako nung gaga.

So I just entered her passcode and get in.

Oo alam ko ang password niya.

Actually silang dalawa lang naman ni Zenice ang nakakaalam nito. Pero simula nung mawala siya, pinilit ko si Viah na ipaalam na sakin dahil baka mamaya kung anong gawin niya or baka hindi na siya lumabas ever. Kung alam niyo lang kung anong hirap ang pinagdaanan ko makuha ko lang yung passcode na 'yon.

I got more curious nung tinanong ko siya one time kung may meaning yung passcode ng condo niya. Pero mukha siyang tangang napangiti lang nun. Medyo kinilabutan nga ako eh.

Hindi naman yun birthdate niya or ni Zenice. Hindi rin naman birthdate ko---

Pft. Kidding aside.

Pero seryoso na.

Sa pagkakatanda ko hindi naman yun ang date kung kelan naging official sila.

Hmp.

Dahan-dahan kong binuksan yung door ng kwarto niya.

And I was frozen sa nakikita ko ngayon.

Oh. My. Gosh!

Halo-halo ang nararamdaman ko.

Of course I was shocked, pero mas feel ko na parang may giyera sa loob ng tiyan ko. And that's because I'm excited and glad for them.

Dahan-dahan lang akong pumasok sa loob para hindi ako makagawa ng ingay.

I crossed my arms and just stared at them.

Nasa may paanan nila 'ko.

Parang lintang nakapulupot si Viah kay Zenice na nakatalikod naman sakanya.

I saw Zenice' face frowned but she still asleep.

"Uhhh..." usal nito dahil pilit siyang kumakawala kay Viah. Pero etong si gaga, aba't akala mo'y kakanin na sobrang lagkit kung makadikit.

Naaamoy ko na naman tuloy ang sarili ko as single forever.

Tss.

Nag-alala lang pala 'ko sa wala.

Pagkatapos niya 'kong pagtabuyan kagabi? Tapos ngayon grabe siya makapulupot kay Zenice na parang ayaw nang pakawalan?? Gusto palang mapag-isa ah??

"Ehem..." I slightly coughed, nagba-bakasakaling magising na sila at mapansin nilang nandito ang reyna.

Pero wa epek.

"Ehem!" medyo pinalakas ko na. Pero umusod lang sila at bumalik din agad sa pagkakahimbing.

My gosh... konti nalang maaalibadbaran na 'ko dito sa dalawa.

Umiiral na naman ata ang bitterness ko. My goodness.

"EHEM!"

Muntik na atang masugat ang pretty throat ko dun.

Hayy.

FORGOTTEN (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon