Para Sa 'yo

2.5K 120 32
                                    

Sa mga nakaabot sa ending, congratulations!

Sana hindi sumakit ang ulo ninyo sa kuwentong ito.

Dati, hindi ako mahilig sa Wattpad kahit matagal na akong nagsusulat. Siguro may lima na akong story na natapos at hindi naman nakapost, pero mas marami akong drafts na nakalahati ko pa lang ang kuwento, tapos 'di ko pa maituloy.

May account lang ako noon para magbasa, pero natatakot akong magpost ng kuwento.

Noong isang taon ko pa ito na-post, 2019, pero hindi lahat nakalagay, tapos unedited pa. Kasalanan ito ng lockdown kaya ako nakapag-edit, tapos ang dami kong nabago, at ang dami ring nadagdag na detalye.

Alam ko hindi pa rin ito perpekto, pero masaya ako sa naging ending nito.

Matagal ko na rin itong naisip, back in 2016 pa. 2017 ko siguro natapos, hanggang sa inamag na yata.

Paano ko naisipan ang kuwentong ito?

Sa totoo lamang po, dalawang story po ito na pinag-merge ko. May magkaibang sitwasyon ang bida, magkaibang background at magkaibang personality.

So, naisip ko, why not apply the parallel universe.

Eh di, hayan, ipinanganak sina Cassiopeia Enriquez at Cassiopeia Sto. Domingo.

Nakakatuwang isulat ang ganitong genre kasi imagination mo ang limit. Tapos nadagdag ko pa 'yong tungkol sa Ikalimang Mata, akala ko ako pa lang ang nakakaisip n'on, dami ko naiisip, ano?

Pero, may nabasa ako na mayroon na palang ganoong idea, halos kapareho rin yata ng katangian. Although [naks although], wala pa akong nababasa na ibang kuwento about that.

Nakuha ko 'yong idea ng parallel universe sa Spookify, kaso 'yong version nila nakakatakot kaya siguro nagkaroon ng horror side ang kuwento ko. Hehe. Nakalimutan ko na kung saan ko talaga nabasa ang tungkol sa alternate reality. Baka napanood ko sa Kdrama. Hindi ko matandaan, eh.

Ayon sa mga nabasa ko, maraming sakop ang parallel universe, iba-ibang teorya at iba-ibang paniniwala. Magkakaiba ang meaning nito sa physics, sa astronomy at cosmology. Iba rin sa science fiction at fantasy. Pero, iisa lang ang pinupunto nilang lahat, may posibilidad na hindi unique ang ating mundo sa kalawakan.

Maaring may iba pa tayong kaparehong mundo o alternatibong reyalidad sa ibang parte ng uniberso, ngunit dahil wala pang kakayahan ang ating kasalukuyan teknolohiya kaya hindi pa natin nararating.

Nakakatuwa rin ang ideya na sa ibang parte ng kalawakan ay maaaring mayroon tayong ibang bersyon, nabubuhay sa ibang sitwasyon, kalagayan o desisyon na hindi natin pinili.

Pero, kung nasaan man tayo o kung ano man ang ating maging kahinatnan, ang mahalaga ay matutunan nating maging masaya at tanggapin ang lahat ng taos sa puso.

Dahil maaaring sa ibang mundo, sa ibang parte ng kalawakan, ang buhay at sitwasyon na mayroon tayo ang posibleng hinahangad ng iba nating bersyon.

Muli, maraming salamat sa nagbasa, sumuporta at hindi sumuko sa kuwento ng magkaibang mundo nina Cassy at Peya.

(Ang lalim ko, di ba?)
(Last ko na itong Paranormal, ayaw ko na)

Lubos na gumagalang,

Ayacintha ❤️



😉😉😉

Kung gusto n'yo ng solid na katatawanan habang nagigising kayo sa katotohanan patungkol sa ating lipunan, basahin n'yo na ang;
OH MY GOSH! Huwag Kang ______

Kung ang trip n'yo is Romantic-Comedy na may slight katatakutan
Ghost Writer My Lover
ang para sa inyo!

Kung gusto ninyo ng misteryo na may halong awareness sa mental illness at social issues ulit(???)
Killer Society: Anonymous
ang basahin ninyo.
Ito pala nasa Panaginip na, yung may logo ng violet na unicorn. Haha. Mako-complete ko na siya roon promise!
Nag-eedit na kasi ako eh.
(search A. Jacintha sa Dreame)


Dagdag nyo na ang What's Wrong with my GAY Assistant?
If gusto nyo ng pasilip sa slight kalandian, kilalanin nyo na si Stef!
Ibang-iba siya sa lahat ng minamahal nyong leading man dito sa Wattpad, ahihi!
😂😂😂

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon