CHAPTER 12: Chill sunday

3K 141 8
                                    

Chapter 12

Astria POV

Isinampay ko ang mga damit na nilabhan hindi naman masyadong marami kaya hindi na ako pumunta sa laundry shop. Kaya ko namang maglaba. Nasanay lang ako na umaasa sa laundry shop upang labhan ang aking mga damit.

Sa sobrang busy ay wala akong oras na maglaba pa mabuti nalang at kilala ko ang may ari ng laundry shop, malamang suki eh binibigyan ko pa ng tip ang mga tauhan niyang inaatasan na labhan ang gamit ko. Nakakatawa pa nga at sa tuwing pumupunta ako roon ay nag uunahan silang tumakbo saakin upang kunin ang labahanan ko.

Tuwing linggo ang araw ng paglalaba, wala naman akong ibang gagawin. Minsan mas maayos mamuhay ng mag-isa ngunit dahil sa sobrang tahimik ay nakakalungkot din.

Alas dyes na hindi pa pala ako nakapag agahan. Nakapagluto na rin ako kaya kakain nalang ako.

Kumuha ako ng bacon at piniritong isda saka nag umpisang kumain.

Nung matapos ay agad na hinugasan ko ang pinagkainan at naligo.

Sinuklay ko ang aking buhok at hinayaan. Sa sobrang tahimik ay naisipan kong paandarin ang Bluetooth speaker at agad ko namang kinuha ang cellphone. Bihira lang ko lang to gamitin, wala naman din akong tatawagan.

"HEAD..SHOULDERS.. KNEES... AND TOES... HEAD... SHOULDER... KNEES... AND TOES AND EYES AND EARS.. AND MOUTH AND NOSE... HEAD.. SHOULDERS.. KNEES.. AND TOES..." Yan ang pinatugtog ko ng malakas at sinabayan pang sumayaw Hahaha boring ee. Head shoulders knees and toes ng Badanamu production.

Patuloy akong sumayaw hangang sa naisipan kong bumaba bitbit ang Bluetooth speaker sa sala at umupo sa sofa.

"Pakshet naman ang boring!" Madalas kong kinakausap ang sarili. Wala naman akong kasama sa bahay alangan namang bibili ako ng manika or parrot para may kausap?

Hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala kong mayroon pala akong dalawang bote ng lollipop sa cabinet kaya hindi na ako nag patumpik tumpik pa agad kong tinungo ang cabinet at kinuha ang bote ng lollipop. Milkita lollipop lang naman to pero ayos lang masarap naman ee.

Tuwing kumakain talaga ako ng lollipop hindi ko mapigilang isipin yong punyetang de animal na sumuntok sa labi ko! Ilang araw akong nagsuot ng face mask nun upang matakpan ang pumutok kong labi.

"Past is past Astria! Pero putek na animal, hindi ko makakalimutan" malamang kausap ko sarili ko.

Nababagot na ako sa loob kakahiga, pakiramdam ko mamatay na ako tuwing nagpapahinga ako. Sanay kase sa bakbakan ang katawan ko kaya hindi na ako nagtaka. Kapag nasa bakbakan gusto kong magpahinga pero kapag nagpapahinga gusto makipagbakbakan, taenang buhay.

Lumabas ako, suot ang isang black adidas hoodie jacket at grey pedal short.

Habang nasa malayo ay may nakita akong mga lalaking naglalaro sa basketball court, ang iba ay halos wala ng saplot pang itaas. Lumapit ako at umupo sa bench malapit sa kanila.

Napalingon ang iba ngunit hindi ko sila pinansin at diretsong nakatungo sa ring. Medyo wala na akong exercise mula nang maging ex reaper ako. Okay sana kung kakilala ko tong mga to baka pweding makilaro.

Nag patuloy sila sa paglalaro, may nagaganap ding pustahan sa kanila kaya medyo maganda ang laban. Magkano ba ang pustahan nila? Mukhang yayamanin din ang mga ito.

"Toot-tooot-tooot" someone's phone is ringing. Magkalapit lang ang inuupuan ko sa upuang may mga kagamitan. Hindi ko ito pinansin, syempre hindi saken eh. What do you expect?

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon