CHAPTER 38: He's giving up

2.3K 107 8
                                    


Astria POV

"I love you." Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang isang nakakakilabot na salitang binitawan niya. Mula kanina hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa din.

Hindi siya nag tagal kanina, sinabi niyang may aasikasuhin daw siya, tinanong ko kung bakit hindi na silang tatlo pumasok ng ilang araw yun pala ay lumipat na raw sila sa ibang paaralan. Tinanong ko kung saan sila pumapasok pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Halatang ayaw niyang ipaalam.

Ginawa kong unan ang braso habang nakatihaya na nakatitig sa kisame. Kakaiba ang aking naramdaman kanina habang hinalikan niya ako, sa kabilang banda ay nagagalit ako sa sarili kung bakit ko siyang hinayaang gawin ang bagay na iyon ni hindi ko nga siya nobyo.

Nagpagulong-gulong ako sa gihaan kasabay pinikit ang mata sa sobrang pagkainis. "Punyetaaaaaaaa kaaaaaaa Astriaaaaaa!!!!"

"Aray! pakeneng shet ang sakit!" Hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng kama kaya naman nahulog ako. Hinimas ko ang aking tagiliran na sumakit dahil sa pagbagsak.

Humiga ako pabalik sa kama, tinalukbong ako ng kumot, hindi pa man tuluyang pumikit ang mga mata ko nang biglang tumunog ang aking telepono, kinuha ko ito sa side table.

"Ilang beses na tong nag tetext ah? Sino naman kayang animal to?"

Binasa ko ang mensaheng pinadala niya, "Goodnight?!" Para lang sa message na yan inistorbo ang pagpapahinga ko?! Alam kong hindi pa ako tuluyang nakatulog pero muntikan na. Tinignan ko ang orasan at pasado alas onse na ng gabi.

May naisip akong katarantaduhan, tutal nauna siyang nang-istorbo edi I'll do the same thing. Hindi ko din naman to kilala eh! Who cares?!

I dial the unknown number. Naka limang ring pa ito bago sumagot.

"Hello?" Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

"I found a love for me, darling just dive right in, follow my leads, I found a man handsome and sweet, I'll never knew you were the someone waiting for me... We were just kids when we fell in love not knowing what it was, I will not give you up this time, darling just kiss me slow your heart is all I own and then your eyes are holding mine bab--. Tooot tooot!" hindi ko natapos ang lyric ng kanta ni Ed Sheeran na Perfect. Pinatay kase kaagad ng putik eh.

Binitawan ko ang cellphone. Hindi ko naman sana kakantahin yun, balak kong kumanta ng nakakairitang kanta pero hindi yong ganon. Namalayan ko lang ang sarili na kinakanta yong musika na yun.

"Ano bang nangyareeee?!" galit na tanong ko sa sarili.

Nang sandaling tumalukbong muli ako ng kumot, agad namang tumunog ang cellphone ko.

"PUNYETA!" Inabot ko ito at tsaka binuksan ang pinadalang mensahe.

From: unknown number

I already found a woman whom I am willing to be with forever, a woman to be my wife in the future,share my life with her and a mother of my childrens but there's another girl ruining what I have and break my heart into pieces.

That was the content of the message, nakaramdam ako ng konting awa para sa kanya. Hindi ko man alam ang kwento at ang sitwasyong pinagdadaanan niya but I can feel the pain.

I compose a message saying 'I dont know what your story but make yourself happy with your decision in life. Do what make's you happy and don't lost hope. Patience and perseverance are the key to make everything better. Pain is a natural process of life. Remain strong."

Ewan ko pero hindi talaga ako marunong mag advice sa mga katulad niyang broken hearted eh. Matapos ma ipadala ang mensahe, pinikit ko ang aking mga mata.

ROYAL VAMPIRE AND AN EX MAFIA REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon